iyang hawak mo?" narinig niya mula sa malapit ang isang lalake.
"Wala, basura lang itatapon ko sa labas."
II
"Asan ako?" mahinang tanong ng isang batang babae, bumangon siya mula sa kinahihigan niya. "Aray, ko ang sakit ng tiyan ko." Nakita niya ang isang bahay kaya nilapitan niya ito at kumatok. Pero walang sumasagot kaya napilitan siyang umalis at maglakad ng dahan-dahan hanggang sa makarating siya sa kung saan ay napakaingay, maraming sasakyan, maraming mga taong naglalakad, nagmamadali na parang may kung anong kailangang gawin. Bigla napahawak siya sa sumasakit niyang tiyan. Napansin niya na may isang malaking restaurant sa malapit. Naamoy pa niya ang mabangong amoy ng bagong lutong lechon manok. Dahan-dahan siyang lumapit sa may pintuan ng restaurant. Nag-aatubili siyang pumasok. Pero dahil sa masakit na talaga ang tiyan niya ay