Google GERTRUDE
                             Back to Homepage    

I
                                                                                        
          "Umalis Ka rito, huwag ka nang babalik!"
          "Maawa na po kayo gusto ko lang pong makausap ang tatay ko..." mangiyak-ngiyak na pakiusap ng batang babae.
          "Ano hindi ka ba makaintindi ?  Alis!"
          "Maawa na po kayo,  maski ibigay  'nyo na lang po itong school magazine na dala  ko,  andiyan po ang pangalan at letrato ko."
         "Sigi, akin na nga 'yan nang makaalis ka na."
         Naririnig niya ang dalawang babaeng nagtatalo mula sa kinalalagyan niya.  Hinang-hina na siya, halos hindi na siya makahinga, pero ginusto pa rin niyang tulungan at patahanin ang batang umiiyak.  Pakiramdam niya ay parang nalulunod na siya.
         Halos paubos na ang hininga niya.  Maya-maya naramdaman  niya na lang na unti-unti siyang umaangat at nabalot ng kung anong bagay na hindi niya makita.  Dumilim nang dumilim.
        "Aalis ako maiwan ka na muna rito sa bahay, teyka ano ba 
iyang hawak mo?" narinig niya mula sa malapit ang isang lalake.
        "Wala, basura lang itatapon ko sa labas."

                                                    II

         "Asan ako?" mahinang tanong ng isang batang babae,  bumangon siya mula sa kinahihigan niya. "Aray, ko ang sakit ng tiyan ko." Nakita niya ang isang bahay kaya nilapitan niya ito at kumatok. Pero walang sumasagot kaya napilitan siyang umalis at maglakad ng dahan-dahan hanggang sa makarating siya sa kung saan ay napakaingay, maraming sasakyan, maraming mga taong naglalakad, nagmamadali na parang may kung anong kailangang gawin.  Bigla napahawak siya sa sumasakit niyang tiyan.  Napansin niya na may isang malaking restaurant sa malapit.  Naamoy pa niya ang mabangong amoy ng bagong lutong lechon manok.  Dahan-dahan siyang lumapit sa may pintuan ng restaurant.  Nag-aatubili siyang pumasok.   Pero dahil  sa masakit na talaga ang tiyan niya ay 
lakas loob siyang pumasok.  Dahan-dahan dahil ayaw niyang mapansin siya ng mga guard.  Ang dumi-dumi kasi ng damit at buong katawan niya.  Maya-maya nakita niya ang bagong haing lechon manok sa napagarang lamesa.  Palingon-lingon, paunti-unti siyang lumapit sa mesa.  Nang makalapit na, dahan-dahang inabot ng maliliit niyang kamay ang katakam-takam na lechon manok.  Nang biglang may humablot sa kamay niya.  "Hoy, bata uunahan mo pa ako sa Chooks to Go lechon manok ko!" sabi ng isang mama na may katangkaran, nakangiti.
         "Maawa na po kayo sa akin gutom na gutom na po talaga ako..." pagsusumamo ng batang babae .
         "Kung ganon, ba't hindi ka na lang humingi sa 'kin?" 
         "Papano po ako hihingi, eh wala naman pong tao dito kanina?"  
         "Oo  nga naman may point ka diyan," pabirong sagot ng lalake. "Teyka ba't  ang dumi-dumi mo at ang bahu-baho mo pa, sa'n ka ba galing at sandali ano bang pangalan mo? Saka maupo nga muna tayong dalawa," utos ng mama.  "Upo ka riyan sa harap ko ang bahu-baho mo kasi eh. O hindi mo pa ako sinasagot ang sabi ko anong pangalan mo?"
         Hindi makasagot ang batang babae.  Hindi niya alam, hindi niya matandaan kung anong pangalan niya, kung sino siya.  "O ba't napipi kang bigla riyan?" 
        "Mama, pwede bang kumain na muna ako?"
        "Ay, sorry ha napakakulit ko na pala.  Dapat pala pinakain na muna kita bago kita tanungin ng kung anu-ano.  Sigi na nga kumain na muna tayo ng Chooks to Go lechon manok.   Masarap yan kahit walang sauce," paglalahad ng lalake.
        Takam na takam siya sa kinakian niyang Chooks to Go lechon manok, maya-maya lang ay unti-unti niyang naramdaman na nawawala na ang hapdi ng kanyang tiyan.  Hindi pa rin niya matandaan ang pangalan niya.  Nag-isip siya nang nag-isip pero wala talaga siyang maalala.  "Hoy ano na nga ang pangalan mo sabi?  Siya nga pala ako si Hans."
         "Pasensya na po kayo hindi ko po talaga maalala kung anong pangalan ko," naguguluhang sagot ng batang babae.
         "Huwag mong sabihing may amnesia ka, baka naman niloloko mo lang ako?  Seryoso ka ba hindi mo talaga matandaan kung sino ka?"  paulit-ulit na tanong ng lalake.  "Kung ganon anong itatawag ko sa 'yo?"
         "Kwan na lang ho, Gertrude na lang ho," nag-aatubiling tugon ng bata.
         "Nema ang gusto mong itawag ko sa 'yo? "What a coincidence."
         "Anong coincidence?" 
         "Huwag mo na lang akong pansinin," biglang bawi ni Mike.  "Kung ganon hindi mo rin alam kung saan ka galing, baka naman nabundol ka ng jeep, tapos nabagok ang ulo mo kaya nagka-amnesia ka?" dagdag pa  nito.
         "Hindi ko po talaga alam basta nagising na lang ako kanina diyan sa malapit na sumasakit ang tiyan kaya naghanap ako ng makakain," salaysay ng batang babae. 
         "Ang swerte pala ng manok ko at nahanap mo agad siya," pabirong tugon ni Mike.  
         "Maraming-maraming salamat po talaga," nahihiyang sagot ng bata. 
         "Alam mo,  kahit madumi iyang mukha mo, napapansin ko na ang ganda-ganda at ang cute-cute mong bata. Siguro mga sampong taong gulang ka na.  Sandali parang pwede ka ngang mapagkamalang pamangkin ko eh," pangiting pansin ni Mike.    "Pamangkin? Ba't hindi na lang anak," pangungulit ng bata.   
         "Busog ka  na nga. Wala kasi akong anak, pamangkin marami, may isa ka ngang kamukha  eh.  Oh, sigi tutal tapos na tayong kumain, tumayo  na tayo at mukhang marami pang paparating na kakain, kawawa naman baka walang maupuan ang dami-dami kasing customer  ng restaurant ko," paglalahad ni Mike.
         "Ho, sa inyo po ito?" tanong ng bata. 
         "Oo, sa 'kin nga 'to.  Halika na, tayo  ka na riyan," utos niya. 
         "Saan po ba kayo pupunta?" tanong ng bata. 
         "Uuwi na ako." tumayo ang lalake. "O ba't nakatayo  ka lang diyan, halika na sumunod ka sa 'kin, alangan namang pabayaan kita rito, eh sabi mo nga wala kang matandaan. Sumama ka na lang sa bahay ko nang makaligo ka na rin," anyaya ni Mike.



III

         May napansin si Nema pagdating nila sa labas ng bahay ng lalake.  "Sandali lang parang dito rin ako galing kanina paggising ko," pagtataka niya. 
         "Talaga dito ka galing? baka naman sa may malapit ka nga nadisgrasya mukhang sariwa pa nga iyang mga galos mo sa binti," pansin ni Mike. "Halika ka na pumasok na tayo sa loob ng gate," utos nito.  Sumunod naman agad si Nema.  Pagdating sa loob ng bahay nakita nitong may malaking Samsung Flat Screen TV at magarang upuan sa may salas. 
          "Pwede po ba akong maupo sandali napapagod na kasi ako eh," pagsusumamo ng bata.
          "Oo naman," tugon ni Mike. Dahan-dahang pinagmasdan ng bata ang buong paligid, napansin niyang may malaking aquarium sa tabi ng upuan, may tatlong malalaking vase na may desenyo ng dragon.  Sa pakiwari ni Nema ay parang pamilyar sa kanya ang lugar na 'yon. 
          "Ba't ganon, parang nakita ko na ang lahat ng ito dati?" nag-tatakang tanong ni Nema . 
          "Pamilyar sa iyo ang loob ng bahay ko, talaga, hindi kaya akyat-bahay ka dati at pinasok mo na ang bahay ko noon? " pabirong tugon ni Mike.  "O siya, diyan sa may kanan may banyo diyan pwede ka nang maligo at baka maabutan ka pa ng asawa ko na ganyan ang hitsura.  Kagalitan ka pa noon dahil dinumihan mo ang upuan.  Sandali, ikukuha na nga rin pala kita ng damit tutal marami namang  damit ang  pamangkin ko dito."  Maya-maya bumalik ito dala ang isang pulang bistida. " O, isuot mo ito matapos kang maligo."


IV

         Pagpasok ni Nema sa banyo nakita niya ang kanyang sarili sa salamin.  Pinagmasdan niyang maigi ang reflection niya.  Medyo madumi nga  ang pisngi nito at magulo din ang buhok niya.  Tumingin-tingin siya sa paligid nakita niya ang shower kaya sinubukan niyang buksan iyon.  Matapos niyang basain ang sarili ay kinuha niya sa tabi ang sabong Safeguard.  
         Habang naliligo si Nema ay nagtataka siya kung bakit pamilyar na pamilyar sa kanya ang buong sala. Gayong ang dinaanan niyang kusina ay parang ngayon pa lang naman niya  nakita.  Maging ang banyong pinagpapaliguan niya ay bago rin sa pangingin niya.  Matapos niyang maligo ay tiningnan niyang muli ang sarili niya sa salamin.  Napansin niyang maganda nga ang hitsura niya.  Maliit na medyo matangos ang ilong niya, maliit ang medyo mapulang labi nito, kulay itim ang mga mata, hanggang balikat ang haba ng kanyang buhok.   Kinuha niya ang tuwalya at agad siyang nagbihis.  Paglabas niya nakita niya si Mike na nakaupo at umiinom  sa may sala.
         "O mabuti't natapos ka nang maligo halika rito't maupo sa tabi ko.
         "Ano po ba iyang iniinom niyo mukhang masarap kasi?" tanong ni Nema.
         "Aba, talagang masarap, Coke yata 'to.  Kunin mo iyang isang baso ng Coke, hinanda ko 'yan para sa 'yo."
         "Ang sarap naman pala talaga ng Coke.  Malamang hindi pa ako nakainom nito dati, kasi parang hindi pamilyar ang lasa,  parang hindi ko pa natitikman  dati."
         Sandali sumasakit ng paa ko sa sapatos kong ito, asan na nga iyong  Islander na tsinelas ko?" pahayag ni Mike habang hinahanap ang tsinelas nito.
         "Ako na lang po ang kukuha, " sabi ni Nema habang papunta sa  may kaliwa malapit sa may aquarium at mula sa ilalim ng maliit na mesa'y inabot ang asul na tsinelas. "Ito na po ang tsinelas niyo Mang Mike." sabay abot nito sa kanya.  
         "Sandali lang papano mo nalaman kung nasaan ang tsinelas ko.  Alam ko na,  siguro nakita mo ito nang pumasok tayo ng bahay. Maliit ka kasi kaya napansin mo agad ang ilalim ng mesa."
         "Oo,  nakita ko nga kanina pagpasok natin," sagot ni Nema pero alam na alam niya na hindi niya ito nakita kanina. Basta alam niya na lang kung nasaan ito. Lalo pa siyang naguluhan.


          Maya-maya ay narinig nilang may paparating. "Mike andito ka na pala at may kasama ka pa," sabi ng babae. 
          "Siya nga pala may kasama ako, si Nema, " pagpapakilala ni Mike sa kasama niya.  "May sakit siya, mukhang may amnesia kaya dinala ko na muna rito sa bahay." 
          Hindi makapagsalita ang babae, titig na titig siya sa bata. 
          "Ano kamo tinutulungan mo lang siya dahil may amnesia?"
          "Oo nga sabi ko." 
          "Pakitulungan mo nga akong kunin ang mga pinamili kong mga bags at damit, nasa kotse mabigat kasi," pakiusap ni Sandra sa asawa nito.  
           Lumabas naman agad ng bahay si Mike para kunin ang mga pinamili nito.
           Biglang nilapitan ng babae si Nema. "Talaga bang may amnesia ka, hindi mo kilala ang sarili mo?" tanong nito. 
           "Oo nga po, hindi ko na matandaan ang pangalan ko kaya Nema na lang ang ginamit kong pangalan." 
           Sa isip ng babae tandang-tanda niya na kamukhang-kamukha ito ng batang nagpakilala sa kanya bilang anak ni Mike pero tinaboy niyang paalis.  Nagkunwari siyang ngayon pa lang niya ito nakita.  
           Kinagabihan ay sama-sama silang kumain sa may hapag-kainan. Chooks to Go uli ang ulam paborito kasi ito ni Mike. 
           "Gustong-gusto mo talaga ang Chooks to Go lechon manok Nema ang dami ng kinain mo ah.   Ito kumuha ka ng piniritong daing na bangus masarap to."
           "Pasensya na po parang ayokong kumain niyan.  Nakakaawa kasi ang hitsura, parang nakakaawa ang mga mata ng isda," sagot nito.
           "Sigi ikaw ang bahala basta pag may gusto kang kainin magsabi ka lang sa 'kin o sa tita mo," bilin ni Mike kay Nema habang hinahatid ito sa kwartong inihanda niya para sa kanya.  "O itong magiging kwarto mo, katabi nito ang silid naman ng pamangkin kong si Ana at iyong sa dulo ay kwarto naman ng mama niya na nakababatang kapatid ko." 
            Pagpasok ng dalawa sa kwarto ay nakita ni Nema ang malaking Salem Bed na may napakalaking unan sa ulohan, kulay puti maging ang bedsheet ay puti rin.  "Magpahinga ka na Nema at bukas na lang uli tayo mag-usap at kailangan ko na ring magpahinga," dagdag pa ni Mike.
            Pagkaalis ni Mike dali-daling sinubukan ni Nemang humiga sa Salem Bed.  Natuwa siya sa naramdaman niya.  Malambot na malambot ang kama at napakaganda pa. Pinagmasdan niya uli ang buong paligid ng kwarto.  May pabilog na Philips Lights sa may gitna ng ceiling.  Napansin niyang may parang malamig na bagay sa kanan kaya nilapitan niya ito.  Mas lalo pa itong lumamig sa malapitan, hindi niya alam kung ano ang tawag sa GE aircon pero gustong-gusto niya ito.   
         Pagkahiga niyang muli sa kama ay narinig niyang may bagong dumating sa bahay, boses ng isang batang babae na may kasamang mas nakatatandang babae.  Sa isip niya,  marahil ito ang pamangkin at ang kapatid ni Mike.  Sinilip niya ito sa may pintuan ngunit pagtingin niya ay nakapasok na ang dalawa sa kanilang kwarto kaya nagpasya siyang matulog na lang. Natulog siyang nakabukas ang ilaw dahil hindi naman niya alam kung paano patayin iyon.

  
  V

         Nagising siya boses ng isang batang babae mula sa labas ng kwarto niya.  Dahan-dahan siyang bumangon at tiningnan ang sarili sa salamin sa tabi ng Salem Bed.  Matapos ay isinuot nito ang Islander na tsinelas sa paanan ng kama.  Napansin niya ang kulay pulang tiles ng sahig, makintab ito.  Unti-unti niyang binuksan ang pintuan para lumabas.  Naglakad siya papuntang salas at nakita niyang may nakaupong batang babae.  Nang mapansin siya ng bata ay parang nagulat ito nang kunti. "Sino ka, pamangkin ka ba ni Tita Sandra?" mahinang tanong nito.  
         "Hindi, isinama lang ako rito ni Mang Mike para makituloy," sagot naman agad ni Nema habang pinagmamasdan ang mukha ng bata.  Maganda rin ito at magkasinghaba ang buhok nila, parehong itim ang mga kulay nito.
          "Anong oras ka ba dumating? Hindi kasi kita nakita kagabi pagdating namin ng mama ko," tanong nito kay Nema.
          "Nasa kwarto na kasi ako't nagpapahinga pagdating niyo.  Kayo siguro 'yung narinig kong dumating kagabi, sinilip ko nga kayo sandali pero nakapasok na kaagad kayo sa mga kwarto niyo." 
          "Oo ginabi kami ng mama kasi may inasikaso pa siya sa opisina, saka dumaan din kami sa pet shop para bumili ng bagong isdang- dagat.  Nawala na lang kasi bigla 'yong isang butterfly fish ng tito ko dito.  Hinanap ko nga sa sahig baka nakatalon palabas ng tangke, pero hindi ko na talaga mahanap.  Nalungkot nga ako eh, matagal na kasi 'yon diyan sa aquarium.  Sandali ano nga uli ang pangalan mo?" 
          "Nema, kaya pala pagdating ko kagabi ay walang laman ang aquarium," sagot ni Nema sa bata. Tiningnan niyang mabuti ang aquarium nakita niya ang bagong butterfly fish.  Gandang-ganda siya sa anyo nito.  Napansin rin niya ang mapuputi at pinung-pinong buhangin na may sari-saring hugis ng corals, namangha rin siya sa mga bumubulang tubig mula sa air pump ng tanke. 
           "Ako pala si Ana pamangkin ni Mike," pagpapakilala nito.   "Nabanggit nga kayo sa 'kin ni Mang Mike kagabi," tugon 
ni Nema.
           "Anong grado ka na ba, saan ka ba nag-aaral?" tanong ni Ana.
           "Hindi ko alam... ang totoo naawa lang sa akin si Mang Mike kaya dinala niya ako rito.  Hindi ko kasi matandaan kung sino ako at kung saan ako nagmula,"  mahinang salaysay ni Nema.
           "Talaga, hindi mo na matandaan ang pangalan mo, may amnesia ka kung ganon," dagdag ni Ana. "Mabuti naman at nakita ka ng tito ko, baka kung napano ka pa sa kalsada, ang dami kayang masasamang taong nagkalat doon. Siyanga pala nakita mo na ba si Tita Sandra?" tanong nito.
           "Oo tinanong nga niya rin ako kung may amnesia talaga ako?" sagot naman agad ni Nema. 
           "Natuwa ba siya nang makita ka?" mahinang tanong ni Ana habang hinihintay ang isasagot ni Nema.
           "Hindi ko alam, pero mukha siyang nag-alala at nagtataka nang makita ako," pagtataya ni Nema.
           "Ganon,  nagugutom ka na ba? Maya-maya ay lalabas na ang mama at sina tito para mag-almusal sabay ka na lang sa 'min," anyaya nito kay Nema. 
           Maya-maya ay lumabas naman si Mike at ang kanyang asawa na sinusundan ng isa pang babae.
         "Magandang umaga Nema.  Mabuti't nagkita na kayong dalawa.  O Ana hindi ba't kamukha ko siya?" pahayag ni Mike.
         "Oo nga ano, mukha nga kayong mag-amang dalawa, siyanga pala ako si Dona nakababatang kapatid ni Mike," pagpapakilala nito sa sarili.
          Hindi kumibo si Sandra sa mga narinig ayaw niyang kontrahin ang sinabi ni Dona dahil baka humaba pa ang usapan at mahalatang may itinatago siya sa asawa.  Umupo  silang lahat sa paligid ng malaking mesa na hugis parihaba at gawa sa narra.  Magkatabing naupo si Nema at si Ana. 
         "Alam mo ma may amnesia pala itong si Nema," paglalahad ni Ana sa ina. 
         "Talaga, totoo ba ito Nema?"  namanghang tanong ni Dona.
         "Opo kasi hindi ko na talaga matandaan kung saan ako galing at kung ano ang pangalan ko," pag-amin ni Nema.
         "Buti't nakita ka ng kapatid kong si Mike, sandali Mike saan ba kayo nagkitang dalawa?" pag-uusisa ni Dona habang nakatingin sa kapatid. 
         "Tama, buti nga't nakita ko agad siya kung hindi malamang ay naubos na agad niya ang lechon manok ko bago pa ako dumating," pabirong tugon ni Mike.  "Pagdating ko sa mesa ko ay nandoon na siya at napansin kong medyo  madumi ang katawan at damit kaya niyaya ko nang kumain, parang naawa kasi ako pagkakita ko sa kanya.  Kaya pagkatapos naming kumain ay nagpasya na akong isama siya rito sa bahay dahil wala siyang ibang matutuluyan." 
          "Ganyan talaga ang kapatid kong ito Nema, mabait at matulungin maski noong mga bata pa kami," pagtatapat ni Dona kay Nema.
          "Tama kaya nga nagustuhan ko agad itong si Mike dahil diyan Nema," sabi ni Sandra habang nakatingin sa asawang pangiti-ngiti lang.  
          "Sige, kumain na muna tayo baka mahuli pa sa klase itong si Ana," sabi ni Mike. Kumain ka na Nema.  Kumuha ng piniritong itlog, Purefoods bacon, hotdog at Gardenia si Dona at inilagay sa plato ni Nema.  Matapos nilang kumain ay niyaya ni Ana si Nema na sumama sa kanya sa school tutal wala naman itong gagawin sa bahay saka half-day lang naman ang pasok nila ngayon. 
          "Huwag mong pababayaan si Nema Ana, alam mo namang may sakit siya," bilin ni Mike kay Ana.
          "Huwag kayong mag-alala tito at hindi ko siya pababayaan, tutal pwede naman siyang maghintay sa labas ng classroom namin,"  paniniguro ni Ana sa tito niya.
   
VI

         Inihatid ni Mike sina Ana at Nema gamit ang kanyang  bagong-bagong itim na Pajero.  Pinagmasdang mabuti ni Nema ang loob ng kotse habang nagmamaneho si Mike. Malambot ang upuan nito at komportableng-komportable sila.  Mabango rin ang loob nito at tamang-tama lang ang lamig ng aircon.  Nakita ni Nema ang maraming mga tao sa kalsada at ang malalaking gusaling kanilang dinaraanan. 
         "Nema paglabas natin sa paaralan mamaya ay isasama kita sa mall tutal Biyernes naman at walang pasok bukas. Okey lang po ba iyon tito?" paalam ni Ana  kay Mike.
         "Oo naman basta huwag kayong masyadong magpapagabi sa kalsada," bilin ni Mike sa dalawa.
         Pagdating nila sa paaralan, napansin ni Nema na napakaraming batang nakauniporme, puti ang pang-itaas at blue naman ang pang-ibaba ng mga babae, at ang mga batang lalake naman ay pawang nakaputi na polo at khaki pants.  Tamang-tama ang pagdating nila dahil nag-umpisa nang mag-bell hudyat na umpisa na ng klase ng mga bata.
         Umalis na agad si Mike at pumasok na sa loob ng classroom nila si Ana matapos ibilin kay Nema na huwag siyang lalabas ng school at maghintay lang talaga sa labas ng classroom. Tanaw ni Nema ang loob ng classroom mula sa kanyang kinauupuan at naririnig din niya ang mga usapan sa loob nito.  
          "Magandang umaga mga bata," bati ng guro nilang babae na si Myrna. 
          "Magandang umaga din po sa inyo Titser Myrna," sagot naman ng mga Grade-V pupils.
          "Alam niyo naman siguro na may exam tayo ngayon.  Kaya ilabas niyo na ang inyong mga papel at ballpen at mag-uumpisa na tayo," utos nito sa mga estudyante niya.
          "Nakapag-aral ka bang mabuti ha Ana?" tanong ni John kay Ana.
          "Medyo, nakapag-aral kagabi ng kunti, ikaw?" tanong nito sa katabi.
          "Medyo rin," sagot nito.
          Nag-umpisa na ng pagsusulit at napakatahimik na ng buong classroom.  Pagkaraan ng tatlumpong minuto ay biglang tinawag ni Titser Myrna si John. "Hoy John!  Ba't kanina ka pa nakatingin sa papel ni Ana, nangongopya ka ano?" nakangiting tanong nito habang tinitingnang mabuti ang bata. 
          "Hindi po mam tinitingnan ko lang nang mabuti ang sulat kamay ni Ana, ang pangit kasi ang hirap basahin, nakakatawa," sagot nito sa guro niya.
          "Oo nga naman, sa susunod kasi Ana gandahan mo na ang sulat kamay mo sa pagsagot ng mga tanong para mabasa agad ni John at nang hindi ko na uli siya mahuling nangongopya," patawa-tawang tugon ni Myrna.
          "Si ma'm naman sabi ng hindi talaga ako nangongopya, tumitingin lang," dagdag pa nito.
          "Mag-aral ka kasing mabuti para masagutan mo ang mga tanong ko, madali lang naman iyan, ah. Palalampasin ko ito sa ngayon dahil sabi mo nga, hindi mo nabasa kaya wala kang nakopya, pero sa oras na mahuli kita ulit sa susunod ay malalagot ka nang talaga sa 'kin," mahinang banta ng guro sa estudyante niya.
          "Opo ma'm," sagot ni John at hindi na kumibo uli na parang nahihiya.
          Nagpatuloy ang pagsusulit  sa Science ng mga dalawampong minuto pa bago ito natapos. 
          "Okey mga bata ipasa niyo na ang mga sagot niyo at pwede na kayong umuwi pagkatapos," bilin ng guro.
      
VII

           Pagkalabas ng mga estudyante ay agad ding lumabas si John at si Ana.  Pinuntahan nila si Nema na kanina pa naghihintay kay Ana.  
           "Nema, nainip ka ba? Siyanga pala ito si John kaibigan ko," pagpapakilala nito sa kaklase.
           Hi... Nema pala ang pangalan mo.  Mag-ano ba kayong dalawa ni Ana," tanong nito.
           Wala,  magkaibigan lang nakikituloy kasi ako sa bahay ng tito niya pansamantala at niyaya niya akong mamasyal pagkatapos ng klase niyo," sagot nito.
           "Sama ka sa 'min, pupunta kaming mall at titingin-tingin kung anong mabibili at makakain doon," anyaya nito sa bagong kakilala.
           "May sakit si Nema, amnesia John," paglalahad nito sa kaibigan.
           "Ha talaga sa lahat naman yata nang may amnesia ay ito ang pinakamaganda!" biro nito na hindi makapaniwala sa narinig sa kaibigan.
          "Ingat ka riyan Nema maloko 'yan," pabirong paalala ni Ana kay Nema. "Bolero, baket ilang may amnesia na ba ang nakita mo ha?"
          "Ikaw naman, hayaan mo na," bawi ni John.
          "Pero, talagang maganda itong si Nema, parang ako maganda rin," dagdag pa ni Ana.
          "Sigi na nga, sabi mo eh," sagot ni John.
          "Alam niyo madali lang naman ang gamutin ang amnesia," sabi nito na nakangiti nang bahagya.
          "Talaga lang ha, sigi nga parinig nga," sagot ni Ana kay John.
          "Gagaling ang amnesia mo kapag nakalimutan mo ang amnesia mo, hindi ba tama?" pagbibiro nito sa dalawa.
          "Corny talaga 'yan Nema, masanay ka na," bulalas ni Ana kay Nema. "Saka feeling pogi din 'yan."
          "Anong feeling pogi kayu-kayo lang naman ang may sabi niyan ah.  Saka pag-sinasabi ng mga kaklase natin, lalo na ng mga babae, na pogi raw ako, aba 'y hindi na ako tinatablan, sanay na sanay na kasi akong marinig 'yan araw-araw."
          "Ayos ka rin ang drama mong magyabang," bawi ni Ana.
          "Tama na nga itong kulitan natin," sabi ni John at biglang nanahimik.
          "O anong nangyari ba't mukhang napipi ka yata bigla John?"   tanong ni Ana.
          "Wala, ang totoo nag-aalala ako.  Alam mo namang nahuli akong nangongopya kanina ni Titser Myrna," pagpapaalala ni John kay Ana.
          "Ano namang problema noon? Eh di ba sabi niya palalampasin ka naman niya dahil wala ka ngang nakopya dahil pangit nga ang sulat-kamay ko," pagtataka ni Ana.
          "Hindi rin, sabi hindi niya ako parurusahan pero tiyak ko isusumbong ako noon sa mommy at daddy, patay ako sa mga 'yon.  Paliliguan na naman ako noon ng mahabang sermon.  Malamang sabihin noon na, 'Nakakahiya ka, ano na lang ang sasabihin ng mga kaibigan namin pag nalaman ang mga pinaggagawa mo. Mag-aral ka kasing mabuti para hindi mo na kailangan pang mangopya.'  Tapos hihirit naman si daddy ng, 'Anak, paano ka magugustuhan ni Dona para kay Ana gayong ngayon pa lang ay hindi ka na nagtitino?  Dapat mag-aral kang mabuti para paglaki mo ay makahanap ka ng magandang trabaho.  Para matuwa naman sila pag niligawan mo na si Ana paglaki niyo.'" 
       "Ang problema ngayon, nakita ko na itong si Nema, kaya tiyak kong hindi ko na masusunod ang kahilingan ng mga magulang ko," pangiti-ngiting paglalahad ni John habang nakatingin kay Nema na namumula na sa kahihiyan.
     "Aba dapat pala ay magpasalamat na ako sa 'yo Nema dahil iniligtas mo ako sa tiyak na kapahamakan sa hinaharap." malokong bawi ni Ana.
      "Tigilan niyo na nga ako kanina pa kayong dalawa," nahihiyang saway ni Nema.
       "Sigi na nga tutal andito na tayo sa mall, ikaw ang boss ngayon Nema, kaya kahit anong gusto mong gawin, siyang gagawin nating tatlo," tugon ni John.
         "Aba manlilibri ka John,  okey pa lang kasama itong si Nema nagiging galante ang kuripot," puna ni Ana.
         Sa loob ng napakalaking mall napansin ni Nema ang isang bagay na mukhang malambot at kulay pink na iniikot-ikot sa pamamagitan ng stick. "Ano ba 'yon?" tanong ni Nema.
        "Gusto mo niyan? Cotton candy lang 'yan, halika bili kita," sabi  ni John.
        "Mama, pabili ng cotton candy, tatlo." sabay abot ng bayad ni John sa mama. 
         Maya-maya ay isa-isang inabot ng tindero ang mga cotton candy sa tatlo.
         "Ang sarap pala nito ang tamis saka ang lambot sa bibig," pahayag ni Nema habang paunti-unting sinusubo ang  cotton candy. "Salamat ha."
         "Kain ka lang nang kain Nema sabi nga ni John ikaw ang boss ngayon kaya bilisan natin ang pagkain para lumipat tayo doon sa may maraming ice cream.  Tiyak mas magugustuhan mo iyon kaysa dito," paniniguro ni Ana.
         "Tara na lipat na tayo sa kabila para maibili ko na si Nema ng Selecta ice cream," anyaya ni John sa dalawa.
          Inalalayan paakyat sa escalator si Nema dahil parang nag-aatubiling sumakay ito doon. "Naku, hawakan niyo akong mabuti baka malaglag ako ha," bilin nito sa mga kaibigan.
          Pagdating nila sa second floor ng mall ay nadaanan nila ang isang appliance center.  "Aba kaparehas nang tv namin 'yan ah, Samsung flat-screen, maski iyong malaking refrigerator at washing machine, GE katulad din ng sa 'min," pansin ni John.
         "Maski naman kami sa bahay mayroon din kami ng mga iyan, maganda kasi ang quality kaya binibili rin ng Tito Mike," paglalahad ni Ana habang patungo sila sa stall ng ice cream. "Ito,  gusto ko 'to." sabay turo sa kulay ubeng ice cream ni Nema.
          "Gusto mo niyan? Ikaw Ana anong gusto mo? Nagtanong pa ako, eh vanilla lang naman palagi ang binibili mo. O, ate pabili ng dalawang ube at isang vanilla." sabay kuha ng pera mula sa Seiko Wallet ni John."Bayad o."  
        "Totoo nga mas masarap pa itong Selecta kaysa sa cotton candy, ang tamis saka ang lamig," bulalas ni Nema.
       "Sigi kain lang kayo ng kain ng Selecta ice cream.  Maupo muna tayong tatlo diyan sa bench sa may gilid," anyaya ni John.
        "Bilis-bilisan mo nang kunti ang pagkain mo sa Selecta ice cream Nema baka matunaw iyan at malaglag sa sahig," paalala ni Ana.
        "Oo, ang sarap talaga nito pakiramdam ko ngayon lang ako nakakain nito," pagtataya ni Nema.
         "Alin ba ang mas masarap, iyang vanilla ni Ana o itong ube?" tanong ni Nema sa mga kaibigan.
         "Tikman mo na lang Nema, o halika tikim ka ng kunti," anyaya ni Ana. "'Di ba't mas masarap to?" tanong ni Ana
         "Oo nga mas masarap nga 'to, pero masarap din naman ang ube," puna ni Nema.
         "Tayo na kayo diyan, punta tayo doon sa harap maglaro tayo ng darts para maipakita ko naman kay Nema kung gaano ako kagaling umasinta.  Tiyak ko makukuha ko ang premyo na Hello Kitty stuff toy.  Ibibigay ko sa iyo 'yon Nema." sabay hatak ni John sa dalawa.
          Pagka-abot ng dart matapos itong bayaran ni John ay agad itong pomorma para asintahin ang gitna ng board. "Tabi lang kayo diyan at manuod lang kayo, tiyak sapol sa gitna," pagmamayabang nito sabay hagis sa dart.
          "Ayan muntik mo nang tamaan ang dingding John," kantyaw ni Ana.
          "Ikaw naman practice lang 'yon nagpapasimpli lang, ganito talaga ang mga bida, watch and learn," pagtitiyak uli nito sa dalawa.
          "Naku! Sapul ang dingding, watch and learn nga, tumpak," sabi ni Ana habang pinagtatawanan si John.
          "Wala kinakalawang na yata ako, mahirap kasing mag-concentrate 'pag may katabing maganda," palusot ni John.
          "Ikaw Ana ha, kantyaw ka nang kantyaw sa 'kin, ikaw naman
 kaya ang tumira," hamon ni John.
          "Ako pa, ang galing ko yata diyan, expert to mga brad. Tabi  nga kayo riyan nang makita niyo kung gaano ako kaasintado," pagmamalaki nito sabay hagis sa dart.
          "Yan sapul na sapul muntik mo na ngang tamaan ang bantay," ganting kantyaw ni John Kay Ana.
          "Naku, ibibili na lang kaya kita ng Hello Kitty stuff toy Nema, baka maubos pa nitong si Ana ang pera ko, ayaw tumigil sa katitira sablay naman lahat,  baka hulihin pa tayo ng mga pulis dito pagnakadisgrasya itong isa sa sobrang pagka-asintado," malakas na pangangantyaw muli ni John kay Ana.
          "Ako kaya, subukan ko kayang tumira maski isa lang, baka tamaan ko, gusto ko kasi talaga ng puting Hello Kitty stuff toy na 'yun," suhistyon nito sa dalawa.
          "O, ito Nema subukan mo kanina pa kasi kami sumasablay na dalawa, nakakahiya na tuloy sa 'yo." sabay abot sa dart kay Nema ni John.
           Nag-focus muna sandali si Nema matapos ay biglang hagis sa dart sa board. 
            "Naku sapul na sapul, gitnang-gitna, bull's eye, ang galing mo pala Nema!  Talo mo pa kaming dalawa ni Ana, ang tagal-tagal na kaya naming naglalaro nito.  Puro lang naman kasi kami yabang na dalawa eh."
            "Tinamaan ko nga, pwede ko na bang kunin ang premyo ko?" tanong ni Nema sa tagabantay ng stall.
            "O ayan ang galing mo naman bata," puna ng bantay.
            "Pwede bang tumira uli gusto ko pa kasi noong isa pa." sabay  turo sa isa pang kulay pink na Hello Kitty stuff toy sa gilid.
            "'Yang kulay pink, gusto mo niyan. O, itong dart asintahin mo uli," sabi ni John
         Nag-focus uli si Nema.
            "Naku tinamaan mo uli, bull's eye na naman Nema!" pasigaw nang bati ni Ana.
             "O sigi Nema tumira ka pa uli para tatlo na ang stuff toys mo!" himok ni John.
             "Ay mga bata tama na mamumulubi amo ko sa inyo!  Baka mapagalitan na ako ng mga amo ko..." nahihiyang saway ng namumula ng bantay sabay kamot sa ulo nito.
             "O sigi, okey na 'yon kawawa ka naman pala." sabay tanggap  ni John sa dalawang stuff toys na napanalunan ni Nema.
              "Ang dami mo ng Hello Kitty stuff toys Nema,  ako nang magbubuhat nito para sa 'yo, malakas yata ako kasi palagi akong nagre-revicon forte," alok ni John sa magandang batang si Nema.
              "Oy.... nagpapa-cute si pogi...." panunukso ulit ni Ana kay John.
              "Anong nagpapa-cute, ganito talaga ako.  Ang bait-bait ko kaya," sambit ni John habang karga-karga ang dalawang malalaking Hello Kitty stuff toys para kay Nema.
              "O Nema, halika na pabili tayo kay John ng bagong sapatos, mukhang ganado kasing manlibri ito  ngayon. Dalian mo baka magbago pa ang isip nito," paalala ni Ana kay Nema.
              "Nakakahiya naman, mag-ikot-ikot na lang kaya tayo dito sa mall," sabi ni Nema.
              "Anong hiya-hiya 'wag kang mag-alala Nema mayaman daddy niyan, barya lang sa kanila 'yan.  Pabili na tayo ng sapatos baka bumalik sa  paminsan-minsang pangunguripot 'to, " babala ni Ana kay Nema.
              "Anong paminsan-minsang kuripot.  Huwag kang maniwala diyan hindi ako kailan man naging kuripot, makapal to." sabay tapik sa Seiko Wallet nito sa likod ng pantalon.
              "Halika na Nema, nang maibili ko na kayo ng Adidas na sapatos at damit na dalawa." sabay hatak ni John sa dalawang kaibigan papunta sa isang sikat na shoe shop.  Pagkatapos ay agad niyang pinaupo ang mga kaibigang babae para masukatan na ng saleslady. 
              "Ituro mo lang Nema kung alin sa mga 'yan ang gusto mo.  Kahit alin diyan akong bahala," pagmamayabang pa ni John.
              "Nema,  mamili na tayo, ako gusto ko itong isang ito maganda ang kulay at mukhang kasyang-kasya sa 'kin," sabi ni Ana habang isinusukat na ang napiling Adidas na sapatos.
              "Kasya kaya sa 'kin itong isang ito?" tanong ni Nema kay Ana. 
              "Sandali, okey 'yan mukhang bagay sa 'yo ang kulay, pink na Adidas Rubber Shoes, sukatin mo na lang para makasiguro tayo," payo ni Ana.
              "Sigi nga subukan mong maglakad-lakad kung komportable sa paa mo Nema," dagdag pa ni Ana.
              Sinubukan naman agad ito ni Nema at halata sa mukha nito na nagustuhan niya ito.  "Oo nga, kasyang-kasya sa 'kin, komportableng-komportable," sabi nito habang nakatingin sa magandang sapatos na suot-suot niya.
              "Kung ganon ay babayaran ko na ang mga 'yan," pahayag ni John.  Matapos itong bayaran ay nagpunta naman sila sa isang sikat na boutique sa mall para bumili ng bagong damit.
              "Ako ang pipili para sa iyo Nema, magaling ako pagdating sa damit.  Ito bagay sa iyo ang dilaw na bistida. Sigi halika isukat natin, pasok ka riyan sa maliit na pintuang 'yan sa harap.  Hihintayin ka naming lumabas pagnaisuot mo na ang damit na 'to," bilin ni Ana kay Nema.  Naghintay ng mga ilang sandali sina Ana at John habang nakaupo. 
              Maya-maya ay lumabas na si Nema suot-suot ang dilaw na bistidang gawa ni Ralph Lauren.
             "O John, ba't nakatulala ka riyan maganda ba ang view, ha?" tukso ni Ana kay John.
             "Ang ganda-ganda nga..." sagot agad nito.
             "Alin ang maganda, ang damit o si Nema?" panunukso pa nitong muli.
             "Bagay ba sa akin, ha Ana?" nahihiyang tanong ni Nema kay Ana.
             "Hoy John nagtatanong si Nema kung maganda ba raw ang damit niya." sabay tapik kay John.
             "Bagay na bagay,  sabi ko na nga ba't  mas gaganda ka pa, 'pag nabilhan ka ng mas maayos na damit," nakangiting pag-amin ni John.
             "Talaga... gumanda ako sa suot ko?" mahinang tanong ni Nema sa dalawang kaibigan.
             "Talagang-talaga!" magkasabay na sagot nina John at Ana.
      Matapos makapili at makapagsukat ni Ana ng damit ay agad namang binayaran ni John ang mga pinamili. Matapos ay dahan-dahan silang lumakad palabas para makauwi.
            "O Nema, uwi na tayo," sabi ni Ana kay Nema. "Ayaw mo pang umuwi  'no, gusto mo uli kumain ng Selecta ice cream 'no...."
            "Paano mo nalaman, ha Ana?" nahihiyang tanong nito sa kaibigan.
            "Tingin ka nang tingin kasi diyan sa stall ng ice cream eh," sagot agad ni Ana.
            "Sigi bili uli tayo ng Vanilla, Nema," paniniguro ni John.
            Habang kumakain sila ng Selecta ice cream, "Naku John ang dami mo nang nagastos nakakahiya naman, salamat ha..." pag-amin ni Nema.
            "Anong salamat, babayaran niyo kayang dalawa 'yan," nakangiting sagot nito.  "Pag hindi kayo sumama sa aking mag-beach sa susunod na Linggo ay babayaran niyo talaga 'yan,"  biro ni John kay Nema.
             "Eh di sumama, problema ba 'yan, tutal ikaw naman ulit ang taya," bawi ni Ana.
             "Di aasahan ko kayong dalawa, Nema," dagdag pa ni John.
             "Ikaw ang bahala tutal kasama rin naman si Ana," sagot ni Nema.
             "Susunduin na lang namin kayo ng driver namin, okey," bilin ni John.
           "Okey," paniniyak ni Ana.  Matapos ay umuwi na sila sa kani-kanilang bahay.


VIII  

            Sa sumunod na araw habang nag-uusap si Nema at si Ana sa may sala ay biglang may narinig si Nema. "Aw! Aw!" kahol ng maliit at mabalahibong puting asong paparating na may kasunod na isang batang lalake. 
            "Ate Ana andito na ako.  Sino iyang kasama mo ha?" tanong agad nito sa kapatid.
            "Si Nema ito kinupkop ng Tito Mike kasi may sakit siya," pagpapakilala naman agad ni Ana. "Hindi niya maalala ang pangalan niya, may amnesia siya."
            "Talaga bang may amnesia ka, ha?" tanong nito kay Nema.
            "Mayroon daw akong amnesia sabi ni Mang Mike,"  pag-amin ni Nema sa bata.
            "Talaga may amnesia ka, baka naman malilimutin ka lang talaga," pabirong sagot nito.
            "Totoong may ganyan siyang sakit Mac-mac at huwag ka nang mangulit diyan," paalala ni Ana sa pitong-gulang niyang kapatid.
            "Sigi nga, ako si Mac-mac.  1..2.. 3..4..5.. 6.. 7.. 8.. 9.. 10.. ano nga ulit pangalan ko? " patawa-tawang tanong nito.
            "Sandali, ano nga ulit pangalan mo...  ay nakalimutan ko na." nakipaglokohan na rin Nema sa bata, cute na cute kasi siya dito.
              Biglang may napansin ang bata. "Asan ang isdang si Trude, ba't wala diyan sa may aquarium?" nag-aalalang tanong nito.
            "Ayan o, lumalangoy sa may bandang likuran ng aquarium," sagot ni Ana sa kapatid.
            "Hindi 'yan si Anema, hindi 'yan, 'asan na ba 'yon ha ate?" pagsusumamo nito sa kapatid.
            "Sige na nga, hindi 'yan si Anema, papano mo naman nalaman?" nagtatakang tanong ni Ana.
            "Talagang malalaman ko, ako yata ang nagpapakain noon. At pag-lumalapit ako ay agad 'yung lumalangoy papuntang harap ng aquarium at ikinikiskis ang bibig nito ng paulit-ulit sa dingding ng aquarium. Pero 'yan mas malaki 'yan ng kunti at mukhang natatakot pa sa 'kin.  Tingnan mo nga, lalapitan ko. Ayan lumangoy agad papalayo at nagtago sa likod ng batohan,"  paliwanag nito. "Anong nangyari, namatay ba si Trude ha ate?"
            "Hindi ko nga rin alam, basta nang pinuntahan ko 'yun para pakainin sana dahil wala ka, ay napansin kong wala ng laman ang aquarium.  Sinilip ko nga ng paulit-ulit, pero wala talaga sa loob ng aquarium.  Hinanap  ko rin sa sahig, maging sa ilalim ng sofa, pero wala talaga, hindi ko mahanap. Hindi ko talaga alam kong anong nangyari Mac, pasensya na," paglalahad nito sa kapatid. "Pero ibinili naman kita agad ng bago, ayaw mo ba niyan ha?"
           "Gusto rin, cute din naman 'yan eh. Pero matagal na sa atin 'yun kawawa naman, araw-araw ko kaya 'yung pinapakain," sagot ng bata sa kapatid. "Sa tingin ko si Tita Sandra ang may gawa nito."
           "Ha baket mo nasabi 'yan?" 'di-makapaniwalang tanong ni Ana.
           "Minsan kasi nakita ko si Tita Sandra na hinahampas-hampas ang dingding ng aquarium nang pagkalakas-lakas akala ko nga mababasag na ito.  Saka nagmumura ng mahina ang boses parang galit siya kay Tito Mike at napagbalingan niya ito.  Parang galit yata dahil sa pera, hindi ko rin masyadong naintindihan, pero nang makita niya ako ay bigla niyang kinuha ang fish food at nagkunwaring pinapakain niya lang ito.  Tapos ngumiti lang sa 'kin at sabi ako na lang daw magpakain dahil mukhang natatakot sa kanya at bigla na lang umalis pagkatapos.  Napansin ko ngang parang nanghina si Anema, parang napagod sa kakaiwas sa hampas ng Tita Sandra, napakasalbahe talaga noon!" paglalahad muli ng bata.
         "Sandali Anema ang tawag niyo sa isda niyo? Kaya pala nang sinabi kong Nema ang pangalan ko kay Mang Mike ay iba ang reaction nito," sabat naman ni Nema sa dalawa.
         "Sya tama na 'yan Mac, pangalanan mo na lang ang bagong bili kong isda para sa 'yo, ano bang gusto mong ipangalan diyan ha?" alo ni Ana sa kapatid.
         "Eywan, siguro Anema na lang din kasi nasanay na akong banggitin 'yon pag pinapakain ko dati si Anema," sagot nito sa kapatid.
         "Kung ganon, mag-mula ngayon siya na ang bagong Anema natin, magkapareho lang naman ang hitsura nila eh," sabi ni Ana
         "Magandang-gabi mga bata," bati ng kadarating palang si Sandra kasunod si Mike.
         "O mga bata binati kayo ng tita niyo baket hindi kayo sumasagot," paalala ni Mike. 
         Tiningnan lang ng mga bata si Sandra. "Hoy, ba't hindi kayo bumabati ha?"
         "Magandang-gabi po Tita Sandra," bati ni Nema habang tinatapik ng paa niya ang paa ni Mac-mac.
          "Magandang-gabi po Tita Sandra."  sabay lapit kay Sandra para mag-mano sana.
          "Aray ko!  Naapakan mo ang paa ko!"  hiyaw ng nasaktang si Sandra. 
          "Sorry po Tita Sandra, hind ko po talaga sinasadya," palusot ni Mac-mac.
          "Mac mag-ingat ka kasi, ayan nasaktan tuloy ang Tita Sandra nyo," paalalang muli ni Mike sa pamangkin habang nagtitinginan ang mga bata sa isa't isa. "Pakarga nga sandali Mac na-miss kita ah. Ba't mukhang nakasimangot ka pa rin, ayaw mo na bang bumalik  rito ha?"
          "Wala po 'to tito, medyo masakit lang ng kunti ang ngipin ko sa dami ng kinain ko kina Tita Samantha," palusot nito
          "Ha masakit ngipin mo, papano 'to ang dami ko pa namang pasalubong na prutas para kina Nema at Ana sana, may mangga, apples, saging, orange at kung anu-ano pa, saka may Selecta Ice Cream din."  
          "Ice cream na lang po muna ang kakainin ko tito, para mawala sakit ng ngipin ko, vanilla po ba 'yan ha?" tanong nito.
          "Hindi chocolate....  pero may binili rin akong vanilla flavor." 
          "Sigi na Mac kumuha ka ng baso doon nang makakain na tayo at ng mawala na ang pananakit ng ngipin mo,"  pangungunsinti nito sa palusot ng kapatid.

  IX

         Sa sumunod na araw nakita ni Nema si Mike na lumalangoy sa pool.  
         "Halika samahan mo akong lumangoy, marunong ka ba?" tanong nito.
         "Di ko alam, susubukan ko kung kaya ko." Tumalon siya papuntang pool.  Nag-umpisa siyang lumangoy at napansin niyang napakadali lang nito para sa kanya. 
         "Aba ang galing mo, sigi nga karera tayo hindi mo naitatanong swimming champion ako dati," pagmamayabang nito.  
         At nagkarera nga ang dalawa sa paglangoy.  Subalit hindi pa ngangalahati sa pool si Mike ay tapos nang lumangoy si Nema.    
         "Ang bilis mo naman palang lumangoy Nema, natapos ka na agad halos hindi pa nga ako nangangalahati sa pool kanina, "
         "Ha mabilis ba iyon akala ko normal lang iyon."
         "Sa isang linggo ay magdi-deep sea diving ako sama ka sa 'kin." 
         "Opo," sagot nito.
         "At dahil ikaw ang nanalo sa karera natin sa paglangoy, ay o-order ako ng Jollibbee Hamburger bilang premyo mo," sabi ni Mike. "Gustong-gusto kasi 'yang kainin ng mga pamangkin ko.  Saka ang gusto ko, tawagin mo na akong tito magmula ngayon Nema."
         "Sigi po, kayo po ang bahala tito, saka salamat po," pasasalamat ni Nema sa kabutihan ni Mike.     


X

          Habang papasok  si Nema sa kwarto niya para magpahinga nakita niyang medyo bukas ang pintuan ni Ana kaya nagpasya siyang puntahan muna ito sandali. "Ana .... gising ka pa ba, maari ba akong pumasok sandali?" mahinang tanong ni Nema.  
         "Halika sa loob Nema, pasok ka na lang," anyaya ni Ana sa kaibigan.
         "Ano bang ginagawa mo ba't ang daming nakalagay diyan sa kama mo, mga ano ba ang mga 'yan, ha?" tanong ni Nema.
         Niyayang umupo ni Ana sa Sierratone Bed niya si Nema. "Halika upo ka dito sa tabi ko Nema.  Ito, mga letrato ito nang andito pa si Papa, namatay kasi siya noong mga pitong-taong gulang pa lang ako sa isang aksidente, nabangga ng malaking bus ang minamaneho niyang kotse.  Hindi na siya umabot pa sa hospital. Tapos, mula noon parang naging malulungkutin na si mama at palaging nagkakasakit hindi kasi niya mapigilang umiyak gabi-gabi. Kaya sa awa ko sa mama maging kay Mac-mac tinawagan ko si Tito Mike na kung maari ay magbakasyon na muna kami rito sa bahay niya. Tapos ang bakasyon lang dapat ay naging permanente na.  Hindi na kami umalis dito mula noon at dito na rin nakahanap ng bagong trabaho ang mama sa tulong ni Tito Mike.  Mabait talaga si tito, palagi niya kaming tinutulungan sa lahat ng bagay.  Kaya ako at si Mac-mac ay tatay na rin ang tingin sa kanya.  Kahit papaano ay nakakalimutan ko ang pagkawala ni Papa dahil kay Tito Mike. Siyanga pala mga alahas ko ito bigay ng Papa sa akin tuwing may okasyon noon tulad ng Birthday, Pasko at tuwing may nakukuha akong parangal mula sa school," paglalahad ni Ana sa kaibigan.
         "Ang dami-dami naman ng mga ito at ang gaganda pa, mahal siguro ang mga iyan, ano?" tanong ni Nema habang hawak-hawak ang isang gold na singsing na may munting diamante sa gitna.
        "Oo mamahalin lahat ng mga ito dahil medyo mayaman din naman kami dati ng buhay pa si Papa."
        "Saka ang dami-dami mo ring damit, iba-iba ang kulay," sabi ni Nema habang nakatingin sa bukas na aparador.
        "Huwag kang mag-alala magkakaroon ka rin niyan, sigurado akong pag nagkaroon ng pagkakataon si tito ay ibibili ka rin noon ng kung anu-anong bagay.  Si Mac-mac nga halos mapuno na ang kwarto noon sa dami ng mga laruang pinamimili ng tito. Parang anak na talaga ang tingin niya kay Mac-mac, sa totoo paborito talaga ni Tito Mike si Mac-mac, makulit kasi ito kaya tuwang-tuwa ito sa kanya. Maswerte talaga kami at siya ang naging tito namin. Kaya ikaw maswerte ka na rin, kasi sa tingin ko gustong-gusto ka rin ng tito.  Minsan nga iniisip ko na sana huwag ka na lang gumaling sa amnesia mo baka iwanan mo agad kami pagkatapos. Kasi ngayon may kapatid na akong babae at kasundong-kasundo ko pa. Ikaw Nema gusto mo pa ba talagang maalala ang nakaraan mo, ha?" pagtatapos na tanong ni Ana.
         "Eywan ko rin, kasi masaya na rin ako dito kasi mababait kayong lahat sa 'kin.  Natatakot ako na baka malungkot rin pala ang buhay ko dati.  Pero kung maalala ko man ang nakaraan ko, tiyak kong hindi ko kayo makakalimutang lahat, napamahal na rin kasi kayo sa kin." maluha-luha ito habang nakatungo ng kunti sa sahig.
        "Mahal ka na rin namin Nema at sana nga magkakasama na lang tayong lahat habang-buhay." sabay yakap ng bahagya sa kaibigan. "Saka tama na ang drama, ito nga palang hikaw sa 'yo na kasi hindi ko na rin naman ito ginagamit, bagay sa iyo ito, tingnan mo sa salamin. Nabili ko 'to dati sa M. Lhuillier Pawnshop & Jewelry Store.  Di ba ang ganda, halika sukatin mo agad." pagmamagandang-loob nito.
         "Naku hindi ba nakakahiya na sa 'yo Ana ang dami niyo nang naibibigay sa 'kin..." atubiling sagot nito.
         "Magkapatid na tayo, kaya dapat mayroon ka ring mga ganitong bagay para pareho tayong nakaalahas tuwing lumalabas," dagdag pa ni Ana.
         "Hoy, anong ginagawa niyong dalawa dito, ba't hindi niyo ako sinasali?" tanong ng tumatakbong papasok na si Mac-mac. "May dala nga pala akong Pizza Hut bigay ni Tito Mike para sa ating tatlo."
         "Ba't tatlo na lang ang natira Mac, kinain mo na ang iba nito ano?"  tanong ni Ana.
         "Oo kasi ang bilin sa 'kin ni tito paghatian raw nating tatlo, kaya kumain muna ako ng marami, at ng tatlo na lang ang matira, dinala ko agad dito para paghatian nating tatlo, o di ba tama.   Kaya sigi kumuha na kayo ni Ate Nema ng tig-iisa para hati na tayong tatlo," natatawang sagot ni Mac.
           "Ikaw talaga Mac... sigi na nga akin na nga 'yan at nang makakain na rin si Nema.  Siyanga pala sa susunod na Linggo ay darating dito si John para sunduin kami nagyaya kasi yung maligo sa dagat. Gusto mo bang sumama ha Mac-mac?" tanong ni Ana sa kapatid.
           "Sige sama ako matagal na rin naman akong hindi nakakapunta sa beach saka magpapaturo ako kay pareng John," dagdag pa nito.
           "Magpapaturo ng ano? Baka kung ano na namang kalokohan iyan Mac ha?" biro ng kapatid nito.
           "Wala, ako pa ang bait-bait ko kaya, saka nagkita na ba kayo ni Kuya John Ate Nema?" tanong nito kay Nema.
           "Hindi lang nagkita, pinag-shopping na nga 'yan ni John eh," sagot agad ni Ana kahit hindi naman siya ang tinatanong ng bata.
           "Hmm... malamang ibibili ka nga noon ng kung anu-ano," sabi ni Mac-mac habang tinitingnang mabuti ang magandang mukha   
ni Nema. 
           "Ay Mac sandali... may Dunkin Donuts pala ako dito," pagtatapat ni Ana habang binubuksan ang isang box.
           "Ha talaga, patingin nga..." excited na sagot ni Mac-mac. "Ba't isa na lang 'to Ate Ana, di ba dapat marami laman nito?"
           "Ha... kasi bilin ni Tito Mike hatian ko raw kayong dalawa ni Nema," natatawang sabi ni Ana habang kinukuha ang nag-iisang natirang Dunkin Donut sa loob ng box. "Kaya hahatiin ko ngayon sa dalawa itong isang Donut, itong isang kalahati kay Nema at itong isang kalahati naman sa 'yo Mac-mac, o di ba tama?" patatawang biro ni Ana sa kapatid.
            "Ate talaga oo..." pailing-iling ngunit natatawang sagot ni Mac-mac.
            "Ikaw naman Mac... naniwala agad binibiro lang kita... andito sa  malaking plato ipinagtira ko kayo ng marami ni Nema," pagtatapat ni Ana habang kinukuha ang malaking platong nakatakip sa mga Donut. "O Nema kumuha ka hati kayo ni Mac-mac."
            "Ang sarap din pala nito ano," sabi ni Nema habang tinitikman ang masarap na Dunkin Donut.
            "Talagang masarap 'to Ate Nema, maraming beses na yata akong nagbaon nito sa school," pagtatapat ni Mac-mac.  
            Maya-maya ay nagpaalam na si Mac-mac sa dalawa.
             "Sigi Ate Ana, Ate Nema babalik na muna ako sa kwarto ko at maglalaro pa ako ng Sony PSP ko.
            "Mac huwag mong kalimutang iligpit ang mga laruan mong Lego, Tupperware Toys at Marvel Comics  bago ka matulog, ilagay mo nang maayos sa loob ng Orocan Cabinet mo ha," bilin ni Ana kay Mac-mac.
            "Opo... Good Night Ate Nema... Ate Ana..."

XI


            Pagdating ng Linggo masayang nakaupo sa may hardin sina Ana, Nema at Mac-mac habang hinihintay ang pagdating ni John.
            "Ang dami-dami talaga ng mga panananim ni Tita Sandra ang gaganda ng kulay ng mga bulaklak," sabi ni Nema habang hinahawakan ang isang pulang rosas sa tabi ng kinauupuan nito.
            "Ano.... hindi kay Tita Sandra ang mga 'yan, kay mama lahat 'yan.  Magaling iyong mag-alaga ng mga bulaklak," pagtutuwid ni Mac-mac kay Nema.
            "Nang bagong dating pa lang kami dito wala pang hardin sina Tito Mike poro kotse lang ang nakalagay dito.  Tapos hiniling ng mama kay tito na gawin niya na lang itong hardin para may mapaglibangan siya at kahit papano ay nakatulong naman ito para mabawasan ang pagkalungkot niya sa pagkawala ni Papa. Kaya pati ako inaalagaan ko na rin ang mga ito lalo na ang Sampaguitang 'yan dahil sa lahat ng bulaklak 'yan talaga ang pinakagusto ko, ang bango-bango kasi," paliwanag ni Ana kay Nema.
            "Oo nga ano ang bango-bango pala talaga ng Sampaguita," sabi ni Nema habang inaamoy ang bulaklak.
            "Pagdating dito sa bahay si mama lahat halos ang pinagkakatiwalaang mamahala ni Tito Mike.  Mula sa pag-gro-grocery hanggang sa  pagbabayad ng kuryente, tubig, ilaw at sa PLDT si mama ang parating nag-aasikaso.  Si mama ang pumuntang mall para mamili ng Silver Swan Suka at Toyo, Minola, Nescafe, Milo, Argentina Corned Beef, Lady's Choice Mayonaise, UFC Ketchup, Knorr products, Century Tuna, Lucky Me, karne ng baboy, baka, manok, gulay, Axion, at Zonrox, maski Nature's Spring at Petron Gasul si mama rin ang umo-order.   
         "Maski ako tumutulong din sa pag-aalaga ng mga halaman ni mama Ate Nema, minsan nga pag walang tubig ang gripo ako mismo ang nag-iigib sa maliit na poso gamit ang balde ng Orocan.  At kahit pagod na pagod na ako ay dinidiligan ko pa rin kasi nakikita kong natutuwa ang mama ko sa 'kin pag nagpapakabait ako," paglalahad ni Mac-mac.
          "Oo mabait din itong si Mac-mac paminsan-minsan Nema," biro ni Ana.
          "Anong minsan, palagi kaya," pangungulit nito sa kapatid na babae.
          "Nakakainggit naman kayong dalawa, ako kaya may kapatid rin kaya ako?' tanong ni Nema.
          "Gusto mo ate Nema ako na lang muna ang kapatid mo ha?" sabi nito kay Nema.
          "Oo naman halika nga payakap nga sandali," sabi ni Nema habang kinakarga si Mac-mac.  Maya-maya ay bigla namang dumating si John na naka-Toyota. "Hoy, halina kayo, sakay na!" anyaya nito habang binubuksan ang pintuan ng magara nitong sasakyan.

XII


         "Hoy pare kumusta ka na?..." bati ni Mac-mac sa kaibigan habang lumalapit sa sasakyan. "Sama ako sa inyo ha..."
         "Sige walang problema, mabuti nga 'yon para mas marami tayo.  Ikaw kumusta ang bakasyon mo? Balita ko nagbakasyon ka raw sa Baguio," salubong John sa maliit na kaibigan.
         "Ikaw bang makakasama ng mga anak ko , ako nga pala ang mama nina Ana at Mac-mac," pakilala nito sa bumababang  
tito ni John.
          "Ako si Jake tito ni John. Huwag kang mag-alala ako nang bahala sa mga bata, saka may lifeguard naman sa pupuntahan namin eh," paniniguro nito sa babae.
          "Mabuti kung ganon.  O Mac-mac huwag masyadong lalayo sa ate ha.  Susunod ka palagi sa sasabihin niya okey," bilin nito sa bata.
          "Ako nang bahala kay Mac, ma," paniniguro ni Ana sa ina.
          "Mabuti sinama nyo rin si Nema, para makapasyal naman at baka sakaling makatulong din  ito sa karamdaman niya.
          "Bye ma," paalam ng magkapatid sabay yakap sa ina.
          "Bye Tita Dona," paalam naman ni Nema kay Dona.
          "Akyat na Mac diyan ka sa may gilid, tabi tayo ng upuan," bilin ni John kay Mac-mac.  "Ana, Nema pasok na rin kayo, dito  sa kabila  kayo maupo para magka-tabi kayong dalawa."     
          Pagkatapos nilang makaupong lahat ay isinara na ni Jake ang mga pintuan ng van at nag-umpisa nang magmaneho.
          "Huwag kayong mag-alala sandali lang ang biyahe natin at darating na agad tayo," paniniguro ni John sa mga kaibigan.  "Kumusta naman ang bakasyon mo sa Baguio Mac, masaya ba?" 
          "Oo masayang masaya,  unang beses ko pa  lang kasing makapunta roon. Natutuwa nga ako roon kasi malamig kahit walang aircon. Hindi tulad dito mainit palagi," sagot nito sa kaibigan.
          "Ano bang ginawa mo roon ha?" tanong ulit ni John. "Siguro nanligaw ka roon sa mga katutubo ano?" tukso nito sa kaibigan. 
          "Isinama ako ng mga pinsan namin ni Ana sa Banaue Rice Terraces, gulat na gulat talaga ako sa ganda nito.  Para itong berdeng hagdan sa bundok papuntang  ulap, nakakatuwa talaga."
          "Nakapunta na rin ako doon Mac, magandang-maganda talaga, nakapagtataka nga kung paano 'yon ginawa ng mga katutubo gayong wala pa namang maayos na teknolohiya noon,  ang lawak-lawak kaya ng mga hagdang 'yon, sa pagkakaalam ko ginawa raw iyon ng mga katutubo gamit lamang ang kanilang mga kamay, nakakabilib talaga," paglalahad ni John.
           "Bago kami umalis  sa Banaue Rice Terraces ay nagpa-picture muna kaming lahat na magpipinsan ang lalaki nga ng mga ngiti ng mga iyon, natatawa tuloy ako," salaysay uli nito.  "Tapos isinama naman nila ako para sumakay sa kabayo, natakot nga ako eh, akala ko mahuhulog ako mabuti na lang may maliit na itim na kabayo roon,  ipinalit doon sa unang kabayong sinakyan ko na parang ayaw yata sa 'kin, hindi ko nga maintindihan mabait naman ako ah. Habang nakasakay ako sa kabayo ay natatanaw ko naman ang pagkaganda-gandang tanawin sa baba ng bundok.  Nakakatuwa rin dahil habang nakasakay ako sa kabayo ay pinapanood ako ng mga batang babaeng turista din doon, parang bilib na bilib sa 'kin,"  pagmamayabang nito.
         "Maski nga ako bilib na bilib rin sa 'yo Mac," dagdag ni John.
         "Pero ang hindi ko malilimutan doon, ay 'yong ako mismo ang namitas ng mga strawberries mula sa hardin ng may-ari ng plantation.  Ang haba-haba at ang dami ng hilira ng mga strawberries, napuno nga agad ang dalawa kong basket  sa dami ng nakuha ko, mas masarap pa nga ito kaysa sa mga dinadala ng mama sa bahay.  Mas masarap daw talaga pag bagong pitas ang mga ito sabi ng mga pinsan ko," paglalahad uli ng bata.  "Kaya lang pag gabi na, natatakot akong matulog doon kasi sabi ng mga pinsan ko marami daw multo doon,  kaya pag-natutulog,  sa gitna ako palagi para hindi ako masyadong matakot.  Pero sabi naman ng mga tito at tita, wala raw talagang mga multo roon tinatakot lang daw ako ng mga pinsan ko," mahabang salaysay ni Mac-mac. "Ikaw pare naniniwala ka ba sa multo ha?"
          "Oo, talagang naniniwala ako sa multo,"  habang pabirong nakatitig kay Ana. 
           "Hoy anong akala mo sa 'kin multo, ang ganda ko kaya para maging multo 'no, okey ka lang," pabirong sagot din nito.
           "Sandali, nagugutom na ba kayo kumain na muna kayo nitong mga baon ko, pili na lang kayo kung alin ang gusto niyong kainin itong Jack 'n Jill potato chips o itong Oishi," alok ni John sa mga kaibigan. "O Nema kumain ka na muna nito." sabay abot sa baon kay Nema.
            "Salamat medyo nagutom nga ako bigla, habang nakikinig sa kwento ni Mac-mac tungkol sa mga strawberries," sabat ni Nema sa lokohan ng mga magka-kaibigan.
            "Oo nga ano, nakalimutan kong ibigay sa inyo ni ate 'yong mga pasalubong ko sanang strawberries, pero andoon lang naman iyon sa loob ng GE refrigerator, inilagay ko sa tabi ng Tang at Eden Cheese, kainin na lang natin pagbalik, tiyak magugustuhan mo rin 'yon ate Nema," pagtatapat ni Mac-mac.
            "Ang bait-bait talaga nitong kapatid ko,"  puri ni Ana sa kapatid.

                                                 XIII

            Maya-maya lang ay tumigil na ang van sa maliit na pier, "Baba na mga bata andito na tayo," utos ni Jake sa mga bata.
            Pagkatapos ay dahan-dahan namang silang tumulay papunta sa maliit na bangkang de-motor para ihatid sila sa islang pupuntahan nila.  Habang nakasakay sila sa matuling bangka ay nararamdaman ng mga bata ang malamig na hampas ng hangin sa mukha nila.  
            "Matagal pa ba bago tayo makarating doon kuya?" tanong ni Mac kay John.
            "Sandali lang 'to mga tatlumpong-minuto lang ay nandoon na agad tayo. Ang mabuti pa ay tanggalin ko na muna itong takip ng transparent na sahig para makita niyo ang maraming isda sa ilalim ng dinaraanan ng bangka," sabi ni John.
            "Aba ang ganda naman, biruin mo ang dami palang isda sa ilalim ng bangkang ito, hindi lang natin napapansin kanina dahil sa nakatakip ito," sabi ng namanghang si Ana.
            "Ayon ang ganda ng dalawang malalaking pawikan," sabi ni John.
            "Sayang walang pugita," loko ni Mac-mac
            "Pugita talaga ang gusto mong makita ha, sa dinami-dami ng makukulay at magagandang isda pugita talaga," natatawang sabi ni Ana.
            "Oy, ayon ang daming asul na maliliit na isda turo ni John kay Nema." 
            "Oo  nga ano nakakatuwa naman ang bilis-bilis nilang lumangoy saka ang dami-dami pa, mabuti hindi sila nababangga ng bangka," pag-aalala nito ng kunti.
            "Hindi rin... sanay na iyan sa mga bangka, alam na nilang dapat nila itong iwasan dahil kung tatanga-tanga sila, tiyak ubos silang lahat," pabirong sagot ni Mac-mac kay Nema.
            Pagdating ng grupo sa island resort ay dali-dali silang tumulay pababa ng bangka. Inalalayan ni John si Nema sa pagbaba. Napansin nilang may maraming nakahilirang puno ng niyog sa unahan at may mga maliit na parang kubo sa gitna nito. 
            "Magandang-araw,welcome sa resort namin, ihahatid ko na kayo mga bata sa mesa niyo," salubong ng isang staff ng resort.  Sumunod naman agad ang grupo sa babae. Pagpasok nila sa kubo ay naghihintay na sa mesa ang maraming pagkain tulad ng lechon baboy, sugpo at alimasag, adobong manok at baboy, pancit canton, spaghetti, camote, kinilaw, sinugbang tulingan at baboy, sisig, mango juice, buco juice, maraming softdrinks at ibat-ibang kakanin tulad ng bico, bibingka, puto't kutsinta, utap, pili nuts, dried mangoes at marami pang iba, saka mayroon ding isang cake.
           "Hay naku nakakapagod ang biyahe, maupo nga muna tayo," sabi ng medyo napagod na si Ana.
           "Ang ganda pala dito ano, tingnan mo ang buhangin pinung-pino at ang puti-puti," pansin ni Mac-mac habang nakadungaw sa munting bintana ng kubo. "Saka marami rin silang puno ng niyog, pwede kaya akong umakyat sa mga 'yan."
            "Ipagbubukas ko na muna kayo ng malamig na malamig na Coke para matanggal na iyang pagod at uhaw niyo," dagdag pa ni John habang linalagyan ang baso ng mga kaibigan.
            "Ang sarap sigurong maligo parang ang linis-linis ng tubig-dagat," sabi ni Nema habang iniinom ang ibinigay ni John.
             "Sigi kumain na muna tayo ng kunti bago maligo," payo ni Ana sa mga kaibigan.
             "Kainan na...." sabi ni Mac-mac habang kumukuha ng plato niya para sa sarili.
             "Ano bang gusto mong kainin Nema?" tanong ni John.
               Tinuro naman agad ni Nema ang gusto niyang kainin. "Yan pancit 'yan, saka adobong manok sandali ikukuha kita," sabi ni John.  Kaunti lang ang kinain nila dahil maliligo pa sila sa dagat.                                            
            "Tama na ang pagkain, punta na tayo ng dagat para makapag-swimming," anyaya ni Ana sa lahat.
            "Dito na lang muna ako sa kubo at nang mabantayan ko kayo mula sa may bintana habang lumalangoy kayo," sabi ng tito ni John na si Jake.
            "Sigi tito bantayan mo kami mula sa bintana habang binabantayan mo naman ang magandang staff ng resort dito sa loob ng kubo," pabirong sagot ni John habang lumalabas kasama ng mga kaibigan.
            "Ikaw naman hayaan mo na nga ako sa negosyo ko, matanda na ako 'no," pabirong sagot naman ni Jake.
                                            
                                               XIV

            Takbuhan agad ang mga bata papuntang dagat matapos  makapagsuot ng pang-swimming na gawa ni Ralph Lauren. Naunang marating ni Mac-mac ang dagat at agad itong lumangoy sa may mababaw.  Tuwang-tuwa siya sa tubig habang hinihilamos niya ito sa mukha niya. Naligo na rin ang iba pang mga bata, lumangoy sila nang lumangoy at paminsan-minsan ay sumisisid din sandali sa ilalim nito. "Ang ganda pala talaga dito ang sarap sa paa ng puting buhangin, ang lambot apakan, walang mga bato sa ilalim," sabi ni Ana habang hinahagod ng paa niya ang ilalim ng tubig. 
         "Oo maganda talaga dito dahil inaalagaan talaga ng mga staff ang resort nila, kaya nga dito ko kayo dinala dahil malinis at safe, saka ipina-reserve talaga ng daddy ang lugar na ito para lang sa atin,"  sabi ni John.
         "Kaya pala, kanina ko pa napapansin na tayo lang ang nandito, walang ibang bakasyonista," pansin ni Ana. "Tingnan mo ang pagkakatanim ng mga puno ng niyog, parang sinadya talaga ang pagkakalagay, pantay-pantay ang distansya ng bawat isa sa kanila at tuwid na tuwid ang hilera, maging ang maraming kubo ay maganda rin ang pagkakagawa, nakakabilib,"
         "Saka ang dami-daming bunga ng niyog, tingnan niyo may iba pa ngang nalaglag na.  Buti na lang wala ako diyan nang malaglag ang mga 'yan kundi magkakandabukol-bukol ako," pabirong sagot ni Mac-mac.
         "Ikaw talaga..." saway ni Ana sa kapatid. Lumangoy pa sila ng lumangoy, maging si Nema ay gandang-ganda rin sa lugar natutuwa siya na isinama siya ng mga kaibigan.
          Maya-maya nagpasyang maupo muna nina Ana at Nema sa dalampasigan.  Habang pinagmamasdan nila sina John at Mac-mac na nagkukulitan sa dagat ay kinausap ni Ana si Nema. "Ano Nema nag-eenjoy ka ba rito ha?" tanong nito.
          "Oo masaya nga ako at isinama niyo ako," sagot nito.
          "Matanong nga kita... ano bang tingin mo kay John, ha?"
          "Ha, eh di mabait saka maasikaso sa atin," sagot agad ni Nema.
          "Ang ibig kong sabihin, kung gusto mo siya dahil halata namang may gusto siya sa 'yo," ulit ni Ana.
          "Mga bata pa tayo eh, parang hindi pa pwede baka magalit pa sina Tito Mike," sagot naman nito.
          "Sabagay, baka magalit nga 'yon.  Pero ang hitsura niya gusto mo ba ang mukha niya, napopogian ka ba sa kanya kahit kunti, ha?" pangungulit pa ni Ana.
          "Pogi na rin siguro kahit papano," atubiling sagot nito.
          "Sinong pogi ang pinag-uusapan niyo riyan ha, ako ba 'yan?" sabi ng kalalapit pa lang na si John kasama si Mac-mac.
          "Hindi ikaw no, may ibang crush kaya ako sa school," bawi ni Ana. Maya-maya ay dumating na ang hinihinging jetski ni John.
          "O Nema halika sama ka sa akin angkas kita sa jetski," anyaya nito kay Nema.
          "Angkas mo rin ako ako kuya John," sabi ni Mac-mac.
                  "Ikaw naman, hayaan mo na muna ako sa negosyo ko ha, mamaya ka na," nakangiting sagot nito sa kaibigan.
          "Aba pareho pala kayong magaling na  negosyante ng tito mo," natatawang sagot naman ni Mac-mac.
          "Nema sama ka na kay John, dito lang kami papanuurin namin kayo," utos nito kay Nema.
          "Sigi na nga, pero dito ka lang Ana huwag kang aalis ha," pakiusap ni Nema sa kaibigan.
          "Huwag kang mag-alala akong bahala sa 'yo," paniniguro ni John. "Tiyak mag-eenjoy ka dito."
           Matapos magsuot ng life jacket ng dalawa ay inumpisahan ng paandarin ni John ang jetski. Napahawak si Nema sa beywang nito para hindi siya malaglag. "Kapit ka lang dyan Nema at ako nang bahala sa 'yo," pagmamayabang nito habang mabilis na pinatakbo ang jetski. Paikot-ikot, pabalik-balik sila sa dagat, medyo matagal din nilang ginawa ito.  Maya-maya ay napansin ni Nemang pabalik na ng dalampasigan si John.  "Dadaong na ba tayo ha John?" tanong ni Nema nang malapit na sila sa harap ng kinauupuan nina Mac-mac at Ana.
          "Hindi... manuod ka lang," sagot nito.  Biglang iniliko ni John ang Jetski  pakanan at pabalik,  tumilapon ang maraming tubig-dagat kina Mac-mac at Ana, nabasa nang husto ang dalawa. 
          "Baket mo ba ginawa 'yon ha? Nabasa tuloy silang dalawa, baka magalit ang mga 'yon..." pag-aalala ni Nema.
          "Hindi... lumingon ka tingnan mo," utos ni John kay Nema.
Nakita ni Nema si Mac-mac na nakatayo at tumatalun-talon pa at sumisigaw sa kanila nang, "Sigi balik uli kayo basain niyo pa akong muli, ang saya-saya talaga nito!" sigaw ni Mac-mac kay John habang tumatawa ng malakas na malakas.  Bumalik naman ulit si John para basaing muli sina Ana at Mac-mac.  Nakisali na rin si Ana sa pagsalubong sa malalaking tilamsik ng tubig-dagat.  Enjoy na enjoy silang lahat sa laro nilang ito, maraming ulit silang binasa ni John na tuwang-tuwa  ring panoorin ang kakatalon ni Mac-mac habang sinasalubong ang tubig-dagat.
         "O ano Nema nag-eenjoy ka rin ba, hindi ba nakakatawang  panuurin si Mac-mac at si Ana?" tanong nito.
         "Oo, talagang nakakatuwang  panuurin sila, lalo na si Mac-mac gustong-gusto talaga niya na binabasa mo sila.  Ganito pala kasaya ang mag-jetski!" pasigaw na sagot ni Nema kay John.
         "Mabuti naman at natutuwa ka, yan naman talaga ang gusto kong mangyari, ang palagi kang maging masaya, lalo na pag kasama mo ako!" hirit nito sa magandang si Nema.  Maya-maya ay dahan-dahang idinaong na ni John ang jetski sa dalampasigan, medyo malayo ng kunti sa kinatatayuan nina Mac-mac.

                                                 XV

          "O ba't dito tayo tumigil, halika puntahan na natin sina Ana," sabi ni Nema.
          "Sandali, upo muna tayo sandali,parang napagod kasi ako ng kunti," sabi ni John habang hinahatak paupo si Nema.
          "Ha napagod ka ba sigi upo muna tayo dito," sabi ng nag-aalalang si Nema.
          "Alam mo natutuwa  ako na masaya ka, teyka ano ba ang pangarap mo sa buhay ha?" tanong nito kay Nema.  "Ako kasi gusto kong maging isang sikat na civil engineer paglaki ko.  Kasi gusto kong makagawa ng maraming-maraming gusali.  Nakakatuwang isipin na makakita at hahangaan ng maraming tao ang mga gawa kong gusali.  Magtatanong sila sa sarili kung sino kaya ang gumawa ng napakataas at napakagandang building na 'to.  Pati mahahabang  kalsada at tulay, gagawa rin ako ng mga 'yon.  Tiyak magiging proud ang mga magulang ko sa 'kin pag nagawa ko ang mga ito," paglalahad nito sa nakaupong si Nema.  "Ikaw ano nga uli ang gusto  mong maging paglaki mo ha Nema?"
         "Hindi ko pa sigurado, pero parang gusto kong maging titser kasi napapanuod ko sa tv, parang gusto kong turuang magbasa, magsulat at kumanta ang mga batang makukulit, tama iyon nga ng gusto kong gawin.  Pero hindi ko lang alam kong magagawa ko ang mga 'yon sa kundisyon ko,"  sagot nito kay John.
         "Huwag kang mag-alala gagaling ka rin nandito naman kaming lahat para tulungan ka sa lahat ng bagay," paniniguro ni John.  "Saka Nema, siguro naman napapansin mo na gusto kita, gustong-gusto," dagdag pa nito habang nakatingin sa katabi.
         "Ha, totoo, baka naman naawa ka lang sa akin kaya mo nasasabi ang mga 'yan?" pag-alala ni Nema.
         "Hindi gusto talaga kita, saka bakit naman ako maawa sa 
'yo, eh hindi ka naman mukhang nakakaawa ang ganda-ganda mo kaya.  Ano gusto mo rin ba ako ha?" hirit pa ulit ni John.
         "Hindi ko alam, saka ang babata pa kaya natin," paiwas na sagot ni Nema.
         "Alam ko, hindi naman ako nagmamadali, sapat na sa akin na malaman mo na gusto kita," mabilis na tugon ni John. "Pero... masaya ka naman pag-kasama mo ako, hindi ba?"
         "Oo masaya ka naman kasing kasama saka mabait ka sa akin, tulad nina Ana at Mac-mac," sagot ni Nema.
         "Saka bagay naman tayo ah, maganda ka, pogi naman ako," pangungulit nito. Ngumiti lang si Nema sa narinig. "Kung may ibang manligaw sa 'yo, sasagutin mo ba?" tanong nito uli.
         "Hindi 'no, hinding-hindi!" mabilis na sagot ni Nema.
         Napangiti na lang si John  sa loob-loob niya... nararamdaman niya, gusto rin siya ni Nema.
         "Hoy ang daya mo naman kuya John, sabi mo ako naman pagkatapos niyong mag-jestki ni Ate Nema," sumbat pa ni Mac-mac.
          "Ha, oo nga pala ano, papano Nema maiwan ka na muna namin sandali,"  bilin nito kay Nema.
          "Ate Nema, punta ka roon kay ate, kayo naman ni Ate Ana ang babasain namin," utos ni Mac-mac.
          Matapos ay paulit-ulit na binasa nina John at Mac-mac ang nakahilirang sina Ana at Nema sa dalampasigan. Tawanan sila ng tawanan sa larong ginagawa nilang apat.  Maya-maya ay bumaba na sina Mac-mac at John.
          "Sigi kayo namang tatlo ang humilira diyan at kayo naman ang babasain ko, tiyak malulunod kayo!" pagmamayabang ni Ana.
          "Papano naman kami malulunod, eh hanggang  malalaking tilamsik ng tubig  lang din naman ang magagawa mo?" tanong ni John.
          "Anong tilamsik, tsunami ang ibibigay ko!" patawa-tawang sagot ni Ana. "Halina nga kayo, tapusin na natin ang pagkain sa may kubo."
          Pagdating nila sa may kubo ay nakaalis na ang magandang staff ng resort. "Uncle Jake, kumusta naman dito masaya ba?  Nag-usap ba kayo noong babae?" tanong ni John sa tiyuhin.
          "Hindi masyado, umalis din kasi kaagad pagkatapos niyo," sagot nito.
          "Mabilis lang ang kwentuhan niyo, pero ano itong numerong nakasulat sa maliit na papel, cellphone number ba 'to noong magandang babae ? "
          "Wala yan, inaalagaan kong numero sa lotto, tinayaan ko 'yan dati," sagot nito    
          "Tapos mo na pala itong tayaan eh, sigi tapon ko na lang," sagot ni John.
          "Ganon, sigi umpisahan niyo nang magbalut-balot at uuwi na tayo," pabirong banta pa ni Jake.
          "Sorry na po tito, patingin nga ulit ng number na 'yan tataya rin kami,"  pangiti-ngiting bawi ni John.
          "Tama na nga yang kulitan niyong dalawa, kain na tayo at nagugutom na ako," sabi ni Ana. 
          Kumaing magkatabi sina John at Nema, makikitang masayang-masaya ang dalawa. 
          "Halika Nema tikman mo itong Goldilocks cake, masarap to tiyak magugustuhan mo," anyaya ni John kay Nema.
          "Ang sarap pala nitong Goldilocks cake, pahingi pa nga uli," sabi ni Nema.
          "Mukhang ang saya-saya niyong dalawa ni Nema, John ah, wala ba kayong gustong ibalita sa amin ha?" tanong ni Ana sa dalawa.
          "Wala pa naman, pero... mukhang malapit na," sagot nito habang nakangiting tinitingnan ang mga mata ng magandang si Nema.
          "O Ate Ana mag-Sunsilk ka pa nang mag-Sunsilk para may magbigay din sa 'yo ng Goldilocks," biro ni Mac-mac sa kapatid.
          "Mac-mac, pag ako nag-Sunsilk nang nag-Sunsilk hindi lang  Goldilocks ang makukuha ko, may kasama pang Hershey's!" ganting biro ni Ana sa kapatid.

                                                XVI

          Matapos nilang kumain ay nagpasya silang magpuntang muli sa dagat at lumangoy.  Naglaro din ang apat ng beach volleyball.  Matapos ay tinawag sila ng isang staff ng beach para ipasyal sa palibot ng resort, nakita nila ang magagandang tanawin sa palibot nito.  Tapos ay dinala rin sila sa maliit na butterfly garden. , iba-iba at makukulay ang mga ito.  Ipinaliwanag rin sa kanila kung paano nabubuo ang mga butterfly mula sa pagiging itlog, nagiging larva, pupa at ang tuluyang paglabas nila mula sa kayang cocoon bilang isang bago at adult na butterfly bilang pagtatapos ng kanyang metamorphosis.  Maraming ipinaliwanag sa kanila tungkol sa mga paru-paro pero hindi rin sila masyadong nakikinig dahil mas abala sila sa kakatingin at sa kakahabol sa mga nag-gagandahang mga paru-paro  Hinayaan nilang dapuan sila sa kamay ng mga paru-paro, tuwang-tuwa silang pagmasdan ang nakakamakhang kulay ng mga ito.  Matapos ay dahan-dahan na silang bumalik sa tabing-dagat matapos mabigyan ng mga souveneir items mula sa resort.
         Inalalayan ni John sa pagtulay si Nema paakyat ng bangkang sasakyan nila pauwi.  Nang makasakay na ang lahat ay bumalik si John sa dalampasigan at biglang kinuha ang isang Samsung cellphone sa kanyang bulsa.  Agad niyang kinuhanan ng letrato ang buong isla. "Hoy akyat ka na dito nang makauwi na tayo," tawag ni Ana. 
         "Sandali lang, hintay lang kayo diyan!" sigaw nito pabalik tapos ay biglang pinagkukuhanan ng letrato ang sarili niya. Ngiti ito nang ngiti, papogi  nang papogi habang kinukunan ng letrato ang sarili niya.  Matapos ay humangos na ito paakyat ng bangka.
Pagka-akyat niya ay biglang, "O Nema, regalo ko sa 'yo Samsung cellphone,"   sabi nito habang inaabot sa mga kamay ni Nema ang regalo.
         "Ang galing bago ibigay pinuno muna talaga ng pagmumukha niya ang cellphone, ayos din ang gimik mo ah," kantyaw ni Ana kay John. "Tanggapin mo na Nema."
         "Salamat ang ganda naman nito," sabi lang nito na medyo nahihiya.
         "Tingnan-tingnan mo lang 'yan palagi para maalala mo ako," nakangiting sagot ni John kay Nema.
         "O ba't mga letrato mo lang ang kinuha mo ayaw mo bang kunan ng letrato si Nema sa cellphone mo John?" dagdag pa ni Ana.
         Agad dinukot ni John mula sa kanyang bulsa ang isa pa niyang Samsung cellphone at ipinakita  ang mga pictures ni Nema, marami na pala itong letrato ni Nema.  Panakaw na kinuha nito habang tinitingnan ni Nema ang maliit na dilaw na paru-parong dumapo sa mga kamay niya nang nasa Butterfly garden sila.  Ang gaganda ng mga kuha ni John kay Nema. "Titingnan-tingnan ko ang mga ito pag-uwi ko mamaya," sabi lang ni John.
         "Ba't si Nema lang ang kinuhanan mo ng pictures John papa'no naman kami ha?" tukso ulit ni Ana.
         "Ayan tingnan mo may picture ka rin diyan,"  sagot ni John.
         "Loko 'to ah, baket naman itong may nakadapong paru-paro sa ilong ko ang kinuhanan mo, talaga 'to, oo." pagtataka ni Ana.
         "Di ba bagay, bagay na bagay parehong malapad," nakatawang tukso ni John kay Ana.
         "May-araw ka rin sa 'kin loko ka, pero teyka sandali nakakatawa yang picture na yan ah, upload ko nga yan mamaya sa Facebook pag nag-internet muli ako gamit ang Globe Tattoo." nakisakay na rin si Ana sa kalokohan ni John.
          Mula sa bangkang sinasakyan nila papauwi ay natatanaw pa rin nila ang kagandahan ng buong isla, hanggang ito ay unti-unting lumiit at maglaho sa mga  paningin nila.  Habang naglalayag ang bangka, tahimik ngunit masayang magkatabi sa pagkakaupo  sina John at Nema, paminsan-minsan ay ngumingiti ang mga ito at sa kung anong kadahilanan ay silang dalawa lang ang nakakaalam.

XVII


         Kinaumagahan ay pumasok ng banyo si Nema.  Nakita niyang hindi niya naibalik ang takip ng Colgate matapos niya itong gamitin kagabi kaya tinakpan niya ito at inilagay katabi ng kanyang Oral-B Toothbrush.  Naligo agad si Nema  gamit ang sabong Safeguard at Sunsilk Shampoo para maayos ang hitsura niya pagbaba para sa almusal.  Matapos niyang maligo ay lumabas agad siya sa banyo at lumapit sa kanyang aparador.  Pagbukas niya nito ay nakita niyang marami na palang mga bagong damit sa loob nito.  Totoo pala ang sabi noon ni Ana na ipamimili rin siya ni Mike ng maraming damit. Mayroong Bench, Penshoppe, Levi's, Lee, Jag, Freego, at Paddocks.  Pinili niyang isuot muna ang pink na bistida ng Bench.  Sa ilalim ng aparador ay may mga sapatos rin ng Skechers, Nike, at Converse.  Kinuha ni Nema ang puting sapatos  ng Skechers at isinuot ito habang nakaupo sa gilid ng kanyang kama.  Matapos niyang makapagbihis ay agad namang  nag-ring ang bago niyang Samsung cellphone, "Hello..." sabi ni Nema.
         "Hello Nema ako 'to si John, mabuti't gising ka na.  Sina Ana at Mac-mac gising na rin ba?" tanong ni John.
         "Oo, parang gising na rin kasi naririnig ko sila mula sa baba,"  sagot ni Nema.
         "Napanaginipan mo ba ako sa kagabi ha?" biro ni John.
         "Ikaw talaga...napatawag ka." 
         "Tinawagan kita kasi nami-miss na kita."
         "Baket mo naman ako mami-miss, eh kakakita pa lang natin kahapon ah."
         "Ganon talaga, na-miss agad kita kasi... mahal na kita."
         "Mahal mo na ako?"
         "Mahal na mahal... ako mahal mo na rin ba ako ha Ana?"
         "Hindi ko pa kasi sigurado kung anong isasagot ko sa 'yo John."
         "Huwag kang mag-alala handa  naman akong maghintay, siguro kailangan mas makilala mo pa ako nang lubusan.  Ipapakita ko na lang sa 'yo kung gaano kita kamahal araw-araw."
         "Ikaw ang bahala."
         "Napatawag din pala ako, kasi pupuntahan  kita riyan sa bahay n'yo mamaya pagkatapos ng klase, sasama na lang ako kina Ana at Mac-mac pauwi riyan, hintayin mo kami ha."
         "Oo hihintayin kita."
         "Magpapaalam na muna ako sa 'yo, may klase pa kasi ako eh, saka tingnan-tingnan mo na rin  'yong mga pictures ko sa Samsung Cellphone mo baka sakaling pag tinananong kita  uli ay sagutin mo na ako, o sigi na bye... mahal kita Nema," pamamaalam ni John kay Nema.
         "Bye John," sagot ni Nema at napansin niyang ibinaba na rin ni John ang cellphone nito.
         "Sino ba 'yang kausap mo Nema ha, si John ba 'yan nangungulit na naman ba?' tanong ni Ana sa kaibigan.
         "Oo, sabi sasama raw siya sa inyo rito mamaya pag-uwi."  
         "Malamang manliligaw 'yon, sa 'yo Nema, sagutin mo na kasi nang matigil na." 
         "Pag-iisipan ko muna."
         "Pag-iisipan... aba naka-jackpot ang mokong na 'yon, mukhang may pag-asa," puna ni Ana. "Alam mo Nema, makulit at maloko 'yang si John pero mabait talaga 'yan."
         "Pansin ko nga, mukhang mabait naman talaga si John." 
         "Alam mo marami ang nagkakagusto sa kanya doon sa school.  Kaya lang hindi masyadong namamansin, kaya akala nila suplado 'to.  Nagulat nga ako nang nanligaw agad siya sa 'yo, marami rin kayang magagandang nagpapa-cute kay John sa school, pero lahat sila kinabog ng magandang mukhang ito," puri ni Ana habang pinipisil ang dalawang pisngi ni Nema.  "O siya baba na tayo para mag-almusal, kanina pa tayo hinihintay nina Tito Mike sa mesa," pagyayaya ni Ana.
         "Ha kanina pa nila tayo hinihintay, sigi tayo nang bumaba Ana." Pagkababa nila ay nadatnan nilang hinihintay na sila sa mesa nina Mike, Dona at Mac-mac. 
          "Magandang-umaga, halina kayong dalawa nang makakain na," anyaya ni Mike.
          "Tagal niyo namang bumaba ate, kanina pa kaya ako naghihintay sa inyong dalawa, baket ba ha ano bang pinag-usapan niyo ha, alam ko na si Kuya John no?" biro agad ni Mac-mac.
           "Baket naman nila pag-uusapan si John Mac?" tanong ni Mike sa pamangkin.
            "Nagagandahan kasi  si Kuya John kay Ate Nema kaya ligaw nang ligaw noong nasa beach kami," paglalahad ni Mac-mac.
           "Talaga Nema, sabagay mabait naman ang batang 'yan, pero alalay muna kayo, tandaan nyo mga bata pa kayo," payo ni Mike. 
           "Opo Tito Mike," nahihiyang sagot ni Nema.  "Saka... maraming salamat nga po pala sa mga pinamili niyong mga damit at sapatos para sa 'kin."
           "Wala 'yon, saka buti't nagkasya sa 'yo.  Bagay nga sa 'yo iyang suot mong bistida," nakangiting sagot ni Mike.
           "Sandali nag-text si John sa Nokia Cellphone ko ang sabi,           'Pag si Nema nag-Sunsilk nang nag-Sunsilk hindi lang Goldilock's at Hershey's ang makukuha, pati Mercedez Benz may kasama pang resibo.'''   
           "Baket naman?" tanong ni Dona.         
           "Para malaman  ni Nema kung gaano ko siya kamahal." 
           "Itong si John talaga oo.  Siya kumain na tayo, masarap 'to ako yata ang naghanda ng mga 'to," sabi ni Dona.
         "Palagi talagang masarap ang almusal pag si mama ang naghahanda, hindi ba Ate Ana?"
         "Oo naman, si mama pa ang galing-galing kayang magluto niyan," puri ni Ana sa ina.
         "O siya tama na ang bolahan, matagal ko nang alam 'yan," pagmamayabang agad ni Dona. "Saka masarap naman talaga pag Purefoods Hotdog at Ham ang piniprito ko. Kumuha na kayo nitong fried chicken, Magnolia 'to kaya masarap, dagdagan niyo na rin ng scrambled eggs saka Gardenia para lalo pa kayong mabusog. Ikaw Mac-mac ubusin mo 'yang gatas mo para lalo kang lumakas."
         "Opo mama, uubusin ko talaga itong gatas kong Bear Brand, masarap kasi."
         Matapos nilang mag-almusal ay agad nang nagpaalam sina Ana at Mac-mac para pumasok ng school. "Nema, tawag-tawagan mo na lang kami sa cellphone mo tutal alam mo naman ang schedule ng break namin," bilin ni Ana sa kaibigan.
         "Mabuti naman at pinakintab mong mabuti iyang sapatos mong Gibi.  Patingin nga ng medyas mo Mac kung malinis," utos ni Dona sa anak.
         "Bagong suot ko lang po itong Burlington Socks ko, kaya malinis at malambot sa paa, lahat nga ng mga  kaklase ko mayroon din nito matibay daw kasi.  Maski nga mga uniform namin malilinis at mapuputi rin lahat kasi Pride din ang gamit ng mga mommy nila,"  
paglalahad pa ni Mac-mac.
         "Oo naman saka nilagyan ko pa iyan ng Downy para manatiling mukang-bago,  malambot at mabango buong araw," dagdag pa ni Dona.

                                                 XVIII
    
          Inihatid ni Dona ang mga anak niya sa school gamit ang kanyang Daihatsu. Naiwan sa baba si Ana para manuod ng tv sa may sala. Tuwang-tuwa siyang nanunuod ng palabas at paminsan-minsan ay tinitingnan din niya ang bagong isda sa may aquarium.  
          "Nema maiwan na muna kita rito sa bahay at may aasikasuhin lang ako sa restaurant, huwag kang mag-alala andito rin naman si Tita Sandra mo, maya-maya lang bababa na rin iyon.  Magsabi ka lang kung may kailangan ka, okey," bilin ni Mike Nema.
           "Opo tito, saka magpapaalam po sana ako sa inyo. Sabi po kasi kanina ni John sa cellphone niya pupunta raw po siya rito para bisitahin ako.  Okey lang po ba 'yon tito?"  nahihiyang tanong ni Nema kay Mike.
           "Sigi basta tandaan mo iyong bilin ko sa iyo.  Mga bata pa kayo kaya, huwag munang masyadong seryoso, hinay-hinay lang," sagot ni Mike at agad na naglakad papuntang pintuan para lumabas ng bahay.
           "Paalam po tito," paalam ni Nema.
           "Bye Nema," nakangiting paalam ni Mike.
           Naiwan si Nema sa loob ng bahay. Ipinagpatuloy na lang niya ang panunuod ng TV.  Maya-maya lang nakita ni Nema na papalapit sa kanya si Sandra. Nginitian niya agad ito at binati. "Magandang umaga po Tita Sandra..." bati ni Nema sa papaalis na si Sandra.
           Pinagmasdang mabuti ni Sandra si Nema. "Mag-isa ka yata Nema nakaalis na ba silang lahat ha?" maingat na tanong nito.
           "Opo pagkatapos po kasi naming mag-almusal kanina ay agad na rin pong inihatid ni Tita Dona sina Mac-mac at Ana sa school tapos umalis din naman po agad si Tito Mike." 
           "Ganon ba, ano nagugustuhan mo na ba dito sa amin ha?" tanong ulit nito.
            "Opo mababait po kasi kayong lahat sa akin, palagi niyo akong inaasikaso," sagot ni Nema.
            Umupo si Sandra sa tabi ni Nema. Pinagmasdan niya ang mukha ni Nema. Napaisip si Dona. "Gusto mo bang sumama sa akin Nema, pupunta ako ng Mall marami kasi akong bibilhin," paliwanag ni Sandra.
            "Hindi po ba ako makakaabala sa inyo tita, baka mahirapan lang po kayo pag kasama niyo ako."
             "Okey lang iyan ako nang bahala sa iyo, saka ipamimili na rin kita ng mga gamit mo," alok ni Sandra.
             "Sasama na lang po ako sa inyo pero huwag niyo na lang po akong ipamili. Marami na kasing ibinigay sa akin si Tito Mike. Pinuno na nga ho niya ang cabinet ko eh. Ang dami-daming damit at mga sapatos ang ibinigay niya sa akin," sagot nito.
             "Mahal na mahal ka talaga nitong si Mike ano," pansin ni Sandra.
             "Opo nagpapasalamat nga po ako sa Diyos na natagpuan ako ni Tito Mike at nagkaroon ako ng matutuluyan. Maging sina Mac-mac, Ana, at Tita Dona ay mababait po lahat sa akin. Sabi pa nga ni Ana gusto niyang magkakasama na kami nina Mac-mac habang-buhay," natutuwang sagot ni Nema.
              "Tama nga habang buhay ka magkakasama kayong tatlo."
              "Ha ano po?" tanong ni Nema.
              "Wala ang ibig kung sabihin ako rin gusto ko makasama ka rin habang-buhay o siya halika na para makarating tayo agad," sabi ng nagmamadaling si Sandra.

                                                    XIX

              Pagkatapos mabuksan ni Sandra ang kanyang Toyota niyang kotse ay agad niyang pinasakay si Nema likuran. Nagmaneho naman agad si Sandra papunta sa kung saan. Habang nagmamaneho siya pinagmamasdan niyang mabuti si Nema mula sa salamin sa itaas ng kanyang kotse. Palihim siyang nangingiti. Nagpatuloy siyang magmaneho. "Ano kamo ulit maraming pinamili si Mike para sa iyo Nema," mahinang tanong nito.
       "Opo tita at ang gaganda nga po eh, kaya nga nagpasalamat agad ako kanina habang nag-aalmusal kaming apat. Sabi pa nga niya bagay na bagay daw po itong suot ko sa akin," salaysay ni Nema.
        "Oo nga ano bagay na bagay talaga iyang suot mo sa iyo, lalo ka pa ngang naging kamukha ni Mike. Sandali wala ka na ba talagang matandaan, ang pangalan mo, kung saan ka nakatira dati halimbawa?" tanong nito.
        "Wala na po talaga akong matandaan, maski nga itong dinaraanan natin hindi ko rin kabisado. Malamang maligaw ako, kung ako lang mag-isa," pag-amin ni Nema.
         "Mabuti naman..." mahinang sagot ni Sandra.
         "Ha ano po tita?" nagtatakang tanong ni Nema.
         "Ang ibig kung sabihin, mabuti andito ako kaya siguradong hindi ka maliligaw, kasi aalagaan kitang mabuti. Sisiguraduhin kung walang ano mang mangyayaring masama sa iyo."
         "Ang bait niyo naman tita, ang swerte po ni Tito Mike at kayo ang kanyang napangasawa," pansin ni Nema.
         "Oo naman bukod sa maganda na ako, mabait pa," nakangiting sagot nito.
         "Siguro mga anak na rin ang turing mo kina Mac-mac at Ana ano po tita?" sabi ni Nema.
         "Oo naman anak na rin ang tingin ko sa kanila, kasi nakikita kong mahal na mahal sila ni Mike kaya mahal ko na rin sila. Parang ikaw, mahal ka rin ni Mike kaya mahal na rin kita."
         "Ha talaga po, ang bait niyo po talaga tita," sabi ni Nema habang pinagmamasdan ang dinaraanan nila. Napansin niyang malayo na ang nararating nila. 
         "Huwag kang mag-alala Nema at malapit na tayo, mamaya na lang tayo pumunta sa mall. Samahan mo muna ako restaurant at hindi pa kasi ako nag-aalmusal, medyo masakit na ang tiyan ko," pahayag nito.
         "Kawawa naman po pala kayo tita," pag-aalala ni Nema.
         "Talagang kawawang-kawawa..." mahinang sagot ni Sandra.
          Ilang sandali lang ay ipinarada na ni Sandra ang kanyang sasakyan sa isang restaurant. Sabay na bumaba ang dalawa at agad na isinama ni Sandra si Nema papasok sa loob ng restaurant. Pagkapasok nila ay agad silang umupo sa isang mesa at nag-order.
          "O nema kumain kang mabuti, hindi ba paborito mo iyang fried chicken?" sabi nito.
          "Opo ang sarap pala nito, ang bait niyo po talaga tita Sandra," sabi ni Nema tapos ay ininom ang orange juice. Ang dami niyo naman pong inorder na fried chicken tita, mauubos ba natin to?" tanong nito.
          "Sinadya ko talagang umorder ng marami, para mabusog ka agad. Mas gusto ko kasing mabusog ka muna bago... bago tayo magpuntang mall. Para poro shopping na lang ang gagawin natin doon," paliwanag ni Sandra.
          "Kayo po tita ba't parang hindi kayo masyadong kumakain, di ba sabi niyo po nagugutom na kayo?" pansin ni Nema.
          "Wala natutuwa kasi akong pagmasdan kang kumakain na mag-isa. Siguro ganito rin ang naramdaman ni Mike ng una kayong magkita ano?" tanong nito.
          "Oo nga po, kapag naiisip ko nga po iyon natatawa agad ako. Ang dami-dami kasi ng kinain ko halos maubusan ko na nga po si Tito Mike. Gutom na gutom talaga kasi noon. Halos hindi ko na nga po siya tinitingnan basta kain lang ako ng kain. Tapos nang mapansin kong halos maubos ko na ay bigla akong nahiya kaya tumigil na ako sa pagkain. Mabuti na lang at hindi nagalit si tito. Sa halip ay isinama pa niya ako sa inyo, ang swerte ko talaga. Maswerte ako sa manok na iyon, dahil kung hindi ko iyon nakita hindi ko rin makikita si Tito Mike. Kaya paborito ko na talaga ang manok habang-buhay," kwento ni Nema habang patuloy na kumakain ng masarap na fried chicken.
       "Ah nang dahil pala talaga sa manok kaya ka nakita ni Mike. Kaya nang dahil din sa manok ay..." hindi na itinuloy ni Sandra ang sasabihin niya.
       "Ano po?" tanong Ni Nema.
       "Sigi kumain ka lang nang kumain diyan, at kakain na rin ako at baka ako naman ang maubusan mo," maingat na biro ni Sandra.
        Natawa si Nema sa sinabi ni Sandra.
        Tumawa rin si Sandra. "Mabuti naman at mukhang masaya kang kasama ako Nema," sabi nito.
        "Opo ang bait niyo rin po kasi."
        Lumingon-lingon si Sandra sa palibot ng restaurant. Pinagmasdan niyang mabuti ang kumakaing si Nema. Naisip niyang malayong-malayo na sila sa kanilang bahay. "O Nema sandali lang at may kakausapin lang ako. Naiwan ko kasi ang cellphone ko sa kotse kaya maiwan muna kita sandali. Kumain ka lang nang kumain           at babalik rin agad ako pagkatapos," bilin nito at agad na tumayo. "Dito ka lang Nema, huwag kang aalis hangga't hindi ako bumabalik. Saka ubusin mo na lang lahat ng pagkain, baka 
masayang ang mahal-mahal pa naman ng mga iyan."
       "Bumalik po agad kayo tita ha?" bilin ni Nema.
       "Oo naman, sandali lang ako pangako," nakangiting sagot nito.

                                                XX

       Pagkalabas ni Sandra, pinagmasdang mabuti ni Nema ang kapaligiran. Napansin niyang kaunti lang silang kumakain sa loob ng malaking restaurant. Ipinagpatuloy ni Nema ang kanyang pagkain. Gustong-gusto talaga ni Nema ang fried chicken na kinakain niya. Ininom niya ang natitirang orange juice. Kumain nang kumain si Nema. Subalit naubos na niya ang lahat ng fried chicken, hindi pa rin bumabalik si Sandra. Kaya nagpasya siyang silipin sa may pintuan ang sasakyan ni Sandra. Tumayo siya at agad na naglakad papuntang pintuan. 
       "Iha saan ka pupunta?" tanong ng waiter na naka-Seiko Watch kay Nema.
       "Sisilipin ko lang po sandali si Tita Sandra sa labas hindi pa kasi siya bumabalik, may kinakausap lang sa loob ng kotse niya," paliwanag ni Nema.
       "Talaga, o sigi sasamahan kita," sabi ng waiter. 
       Sumilip si Nema sa labas ng restaurant. Natigilan si Nema, wala na ang sasakyan ni Sandra. Kahit anong hanap niya sa palibot ay walang Sandrang nakita si Nema. Nagsimula nang mag-alala si Nema.
        "Asan ba ang sinasabi mong tita mo ha?" tanong ng waiter.
        "Hindi ko nga rin alam kung anong nangyayari, bilin niya maghintay lang daw ako at babalik siya kaagad. Paano po aalis na po ako at hahanapin ko lang baka napano na iyon?" pag-alala ni Nema at agad na naglakad palabas ng restaurant. 
       Subalit hindi pa man din siya nakakalayo ay agad na siyang pinigilan ng waiter. "Iha luma ng style mong iyan, tatakasan mo pa kami. Paano itong bill niyo, sinong magbabayad nito?" tanong ng waiter kay Nema.
       "Papano po iyan wala akong dalang pera dito, si tita po kasi ang umorder ng lahat ng mga iyon," pagtatapat ni Nema.
        Hinigpitan ng waiter ang hawak kay Nema. Nagpumiglas si Nema at pilit na kumawala. Hinila siya ng waiter papasok ng restaurant at tinawag ang manager niya. 
        "Mama pakawalan niyo po ako, hindi naman po ako masamang tao. Sandali lang po at tatawag ako sa kaibigan ko at sasabihin ko kung nasaan ako," paliwanag ni Nema. Binitiwan naman agad siya ng waiter. Kinapa ni Nema ang kanyang bulsa. Naiwan niya ang kanyang cellphone sa may sofa. "Naiwan ko po pala sa bahay ang cellphone ko manong," pagtatapat ni Nema.
        "Ay naku!" sabi ng waiter at agad na hinatak muli si Nema papunta sa opisina ng manager. Nagpupumiglas si Nema.
       "Bitiwan niyo po ako mama, maawa na po kayo sa akin..." pagmamakaawa ng maluha-luhang si Nema. Pinagtitinginan na sila ng iba pang mga customer ng restaurant. Hinilang muli ng waiter si Nema.
       "Hoy bitiwan mo nga iyan!" galit na sigaw ng isang sampung taong gulang na batang lalaki. "Ano bang ginagawa mo, sira ulo ka ba?" 
        "Pasensya na po sir, ito kasi gusto tayong takasan, ang daming inorder tapos wala namang pambayad," paliwanag nito sa kaharap niya.
        "Totoo ba ang sinasabi ng waiter namin ha, tatakasan mo raw kami?" tanong ng naka-Levi's na bata kay Nema.
        "Hindi po sir, kasama ko po ang tita ko kanina kaya lang hindi na ho bumalik. Wala akong dalang pera kaya pasensya na po hindi ko po talaga kayo mababayaran. Pauwiin niyo na po sana ako maawa na po kayo sa akin," pagmamakaawa ni Nema sa batang lalaki.
       Pinagmasdang mabuti ng batang lalaki si Nema. "Ano bang pangalan ng tita mong iyan ha?" tanong nito.
       "Sandra po..." mahinang sagot nito.
       "Saan ka ba nakatira ha?" tanong uli nito. "Nang madalaw kita."
       "Ano po? Sa k'wan po hindi ko po alam ang address namin. Basta nakatira ako kina Tito Mike, kaibigan ko sina Ana at Mac-mac." 
       "Ha what a coincidence!" sabi nito at pinagmasdang mabuti ang magandang mukha ni Nema.
       "Ano pong what a coincidence?" tanong ni Nema. "Parang narinig ko na iyan dati ah." 
       "Wala hayaan mo na, malaki-laki rin itong bill mo ah. Pero sigi, tutal hindi ka naman mukhang masamang tao. Hoy anong tinutunganga mo riyan. Umalis ka nga para kang nanunuod ng sini!" bulyaw nito sa waiter.
       "Papano po ang bill nito, ako po ang malalagot nito baka kagalitan ako ng daddy mo sir.." paliwanag ng waiter.
       "Ako nang bahala, huwag ka na ngang mangialam, bulag ka ba ha?" nakangiting pahayag nito.
       "Kayo talaga sir, basta kayo na po ang bahala sa akin ha?" sabi nito at agad na lumayo.
                                           
                                                  XXI

       "Oops saan ka pupunta, akala mo nakalimutan na kita," sabi nito sa papatakas na sanang si Nema. 
       "Wala po talaga akong pambayad saka naiwan ko ang cellphone ko," paliwanag ni Nema.
       "Baket sinabi ko bang magbayad ka?" nakangiting sagot nito.
       "Ha hindi niyo na po ako pagbabayarin sa mga kinain ko?" tanong ni Nema.
        "Pero kailangan tulungan mo rin ako, pinagalitan kasi ako ng daddy. Nagbulakbol kasi ako noong isang araw. Kaya pinagtratrabaho niya ako rito sa restaurant, pinaglilinis ako ng mesa.  
Akalain mo iyan sa guapo kong ito. Bagay ba naman sa akin ang maglinis ng mesa ha miss na maganda?" nakangiting tanong nito.
       "Eywan ko po, ang ibig niyo pong sabihin magpupunas lang ako ng lamesa at pwede na akong umuwi kaagad. Sigi po asan na po ang pamunas at nang makapag-umpisa na ako?" tanong ni Nema.
       "Pssst hoy ang pamunas bilis!" bulyaw nito sa isang kanina pa nanunuod na waiter ng restaurant.
       "Ito po sir," sabay abot sa malinis na basahan sa batang lalake.
       "O ayan tag-isa tayo, dito ako diyan ka sa harap ng bilog na mesa," utos nito.
        Nagpunas naman kaagad ng mesa si Nema. Nagpunas na rin ang batang lalake. "Sandali ako nga pala si Troy ikaw anong pangalan mo?" nakangiting tanong nito kay Nema.
        "Ako si Nema, salamat nga pala ha at pinigilan mo iyong waiter sa pagkaladkad sa akin kanina. Natakot talaga ako akala ko kung ano ang mangyayari sa akin, salamat uli," sagot ni Nema at nagpatuloy na magpunas ng mesa. 
        "Hindi ka ba sanay na magpunas ng mesa, mukha kasing naninibago ka, anak mayaman ka rin ba? Maganda rin kasi iyang suot mo, mukhang mamahalin," pansin ni Troy.
        "Hindi po, nakikituloy nga lang ako kina Tito Mike," nakangiting sagot ni Nema.
        "Anong ibig mong sabihing nakikituloy, akala ko ba pamangkin ka rin ni Mike?" tanong nito.
        "Hindi, wala kasi akong matutuluyan kaya nagmagandang- loob sa akin si Tito Mike at kinupkop ako," sagot nito.
        "Saan ka ba nakatira dati ha?" tanong ulit nito.
        "Basta malayo dito, huwag mo na lang akong tanungin tutal mukhang hindi mo rin naman alam kung saan 'yon sa tingin ko," iwas ni Nema.
         "Taga malayong probinsiya ka pala kung ganon, dahil kung dito lang 'yon alam ko sigurado 'yon," sagot ni Troy. "Hindi mo naitatanong galing din sa hirap ang pamilya namin. Pamilya kami ng  mga mestizong vendors. Lahi kasi kami ng mga Kastila. Kastila ang lolo ko tapos Filipina naman ang lola ko. Hindi mo ba napapansin medyo tisoy ako ha?"
         "Tisoy ba ang tawag sa ganyang hitsura?" tanong ng walang kaalam-alam na si Nema.
          "Oo, ayan tama na siguro itong pagpupunas natin. Tumigil na tayo baka mapagod ka na, ayokong mapagod ka masyado. Hindi bagay sa 'yo," nakangiting sabi nito.
          "Ha, pero iisang mesa pa lang itong natatapos ko. Tapos tinulungan mo pa ako. Akala ko ba ito ang bayad sa mga kinain ko kanina?" nagtatakang tanong ni Nema. "Di ba sabi mo nagbulakbol ka at itong paglilinis ang kaparusahan mo?"
          "Oo, pero nagbagong isip ko bukas ko na lang gagawin tutal wala naman si daddy dito, saka hindi naman ako isusumbong ng mga waiters, takot sa akin ang mga iyan. Masungit kasi ako sa kanila," paglalahad nito.
          "Talaga masungit ka bang talaga, eh ba't ang bait-bait mo sa akin?" tanong ni Nema.
          "Hindi ko alam, siguro dahil ngayon lang ako nakakita ng katulad mo. Kakaiba ka kasi," pagtatapat nito.
          "Kakaiba ako, anong ibig mong sabihin?" tanong nito.
          "Eywan ko, kasi ako pag nagalit ako, galit talaga at matagal mawala. Kanina banas na banas ako kasi nga magpupunas ako ng mesa. Pero nang makita kita nawala agad ang galit ko. Parang natuwa pa nga ako na pinarusahan ako ng daddy," pahayag nito.
           "Ha talaga..." sagot nito.
           "O siya maupo ka na sa mesa, samahan mo akong kumain ng halo-halo, paborito ko kasi iyon," anyaya nito kay Nema.
           "Huwag na lang siguro, ang dami ko na ring kinain kanina tapos hindi pa ako nagbayad. Asan na kaya si Tita Sandra ba't hindi pa bumabalik."
            "Samahan mo na akong kumain, gusto ko kasing may kasalo pag kumakain ako," anyaya ulit ni Troy.
            "Ha..."
            "Ako kasi gusto ko makasama sa pagkain ang taong gusto ko, ang taong mahalaga sa akin, iyong taong mahal ko. Iyon talaga ang pinakagusto ko, iyon ang totoong magpapasaya sa akin. Maski hindi na araw-araw, maski isang beses lang sa isang linggo basta makasama ko lang siyang kumain at mag-usap kami kahit sandali lang," pagtatapat ni Troy.
            "O sigi ikaw ang bahala, basta bilisan lang natin para makauwi na agad ako sa amin," sagot ni Nema.
            "Hoy magdala ka nga ng halo-halo dito dalawa, sarapan mo at may bisita ako," utos nito sa isang waiter. "Hindi ka ba mahilig kumain ng halo-halo at parang hindi ka natutuwa."
             "Ha, ah k'wan mahilig din akong kumain niyan," paiwas na sagot ni Nema.
              "Mabuti naman dahil kung ayaw mo iba na lang ang kakainin natin."
               Maya-maya lang ay inilapag na sa kanilang mesa ang masarap na halo-halo.
               "O sigi na kumain ka na rin, sabay tayo," sabi nito.
                Kumain naman si Nema. Ang sarap pala nito, ang lamig saka ang tamis-tamis, pansin Nema. Napabilis nang kain si Nema sa sobrang sarap ng kinakain niyang halo-halo. 
                "Hinay-hinay ka lang, baka mabulunan ka niyan, ang hilig mo palang kumain ng halo-halo, buti na lang ito ang napili kong ibigay sa iyo," nakangiting sabi ni Troy.
                 "Masarap kasi talaga ang halo-halo," sagot ng nagkukunwaring si Nema kahit unang beses pa lang naman niyang makakain nito.
                 "Ako nga rin ito ang paborito kong kainin, maski si daddy ito rin ang paborito."
                 "Pwede na ba akong umuwi ha pagkatapos kung kumain ha?" tanong ni Nema.
       "Oo naman at sasamahan pa kita, ihahatid na kita malayo ang sa inyo 'di ba. Saka wala kang pera mapudpod iyang sapatos mo sa kakalakad hindi ka pa rin makakarating sa inyo. Ayaw mo bang ihatid kita ha, ayaw mo ba sa akin ha?" biro nito.
       "Hindi naman..."
       "Ang ibig mong sabihin gusto mo ako?" biro uli nito.
       "Ha eywan ko, o ayan naubos ko na ang pagkain ko uuwi na ako," sabi ni Nema at agad na tumayo. 
        "Masyado ka namang nagmamadali. Mamaya na lang samahan mo muna akong maglakad-lakad may ituturo ako sa iyo, isang laro," pahayag nito at agad na hinila si Nema palabas ng restaurant. Tiningnan niya si Nema at nginitian habang hinahatak papalabas ng restaurant. Hinayaan lang ni Nema na hatakin siya ni Troy, sa pag-aalang magalit ito at pagbayarin pa siya sa mga kinain niya.

                                            XXII

        Pagkalabas ng dalawa agad namang binitiwan ni Troy si Nema.
        "Di ba sabi ko sa iyo galing kami sa pamilya ng mga vendors, naalala mo?" tanong nito.
        "Oo, sabi mo nga kanina. Ano naman ang kinalaman noon sa larong gusto mong gawin. Hindi ba delekadong maglaro sa kalsada ha. Baka masagasaan pa tayong dalawa, huwag na lang kaya," pag-aalala ni Nema.
        "Hindi, hindi naman tayo tatakbo maglalakad lang tayo. Ganito iyon. Ako kasi hindi naman talaga ako masyadong salbahe. Medyo mabait din naman ako. Palagi kasing ikinukwento sa akin ni daddy kung papano maging isang vendor. Kung ano ang pakiramdam kapag wala kang naibenta, o walang bumibili sa mga paninda mo. Lalo na kapag wala ka na ngang naibenta huhulihin ka pa ng pulis tapos kukunin pa lahat ng mga paninda mo. Sabi ng daddy kahit gaano man kalaki ang katawan mo, maiiyak ka daw talaga sa galit," mahabang salaysay nito.
       "Ganon ba kawawa naman pala ang mga vendors kung ganon. Ano naman ang kinalaman noon sa sinasabi mong gusto mong laruin ha?" nagtatakang tanong nito kay Troy.
       "Ganito lang iyan kahit ano, kahit sinong vendor ang makasalubong natin habang naglalakad tayo, bibilhan natin tapos maglalakad uli tayo at pag may nakasalubong ulit tayong vendor bibili ulit tayo. Kahit anong paninda damit, pagkain, laruan basta bibili tayo. Payag ka ba, sasamahan mo ako ha Nema?" tanong nito.
       Napansin ni Nemang seryosong-seryoso si Troy kaya pumayag na rin siya.
       "Halika dito ka sa tabi ko," utos ni Troy at nag-umpisang maglakad.
       Naglakad na rin si Nema. Ilang sandali lang ay may nakasalubong silang nagtitinda ng mani. 
       "Troy bibili ka ba ulit ha?" nakangiting tanong ng vendor ng mani.
       "Oo, damihan mo ha may kasama kasi ako," nakangiting sagot ni Troy.
        "Ang ganda naman ng kasama mo Troy?" pansin ng vendor na may nakasulat na Jollibee sa harap ng kanyang T-shirt. .
        "Sinabi mo pa, talagang maganda 'tong si Nema," nakangiting sagot ni Troy.
        "Magkaibigan ba kayong dalawa ni Troy ha?" tanong ni Nema. "Buti magkaibigan kayo, sabi kasi nito masungit daw siya."
        "Hindi 'no ang bait nga niyan eh, lalo na sa aming mga vendors, kahit sino sa amin dito kaibigan niyan. Bumibili kasi iyan kahit hindi naman niya kailangan masyado. Para lang may benta kami ganon lang," sagot nito. "O ayan pinuno ko talaga itong mga papel na supot Troy ha."
         "Masarap ba Nema ha?" tanong ni Troy habang inuumpisahan na ring kainin ang maanghang niyang mani.
         "Masarap, gusto ko talaga pag matatamis tulad nito," nakangiting sagot ni Nema habang nginunguya nang paunti-unti ang kanyang matamis na mani.
          "Ako mas gusto ko pag maanghang hindi agad ako nagsasawa," pagtatapat ni Troy.
          "Alam niyo bagay kayong dalawa, nanliligaw ba sa iyo si Troy Nema," nakangiting tanong ng vendor ng mani.
          "Hindi no, tinutulungan lang niya ako, ihahatid niya ako sa amin. Wala na kasi akong pamasahe, nakalimutan kong magdala," mabilis na sagot ni Nema.
          "Akala mo lang iyon, pag nalingat ka ng kunti tiyak liligawan ka agad niyan. Maski sino naman sigurong lalake liligawan ka agad pag nakita ka, sa tingin ko hindi mo pa alam kung gaano ka kaganda. Inosente at bata ka pa kasi," pahayag ng nakangiting vendor.
           "Kaya Nema 'wag na 'wag kang malilingat dahil alam mo na kung ano'ng gagawin ko, sigi ka," nakangiting biro ni Troy.
           "Ikaw talaga, ang sarap talaga nito ano, crunchy," pag-iwas ni Nema.   
           "O sigi maiwan ka na namin, at marami pa kaming pupuntahan nitong maganda kong kasama," biro nito sa vendor habang nakatingin kay Nema.
           "Sigi Troy balik ka ulit ha para may benta ulit ako, salamat," pasasalamat ng vendor. "Paalam sa iyo Nema sama ka ulit kay Troy sa susunod ha."
           Naglakad ulit sina Troy at Nema. "Gustong-gusto ka talaga noong vendor ano, parang matagal na matagal na kayong magkakilala," pansin ni Nema.
           "Oo matagal na akong suki noon, masaya din kasi siyang kausap eh, magkasundo kami," sagot ni Troy.

                                               XXIII

 "Nelia kumusta ka na, ang tagal mo ah. Ba't parang ngayon ka lang, saan ka nanggaling ha?"
           "Wala nagkasakit kasi ako, kaya natagalan akong bumalik. Problema nga eh, mag-eexam ang anak ko, tapos matagal akong walang kinita kaya wala akong pambayad," pagtatapat ng vendor ng 
mga gamit ng batang babae.  
           "Ha ganon ba, kawawa ka naman pala, buti gumaling ka na," sabi ng medyo nag-alalang si Troy.
           "Ang ganda naman niyang katabi mo Troy, bili ka naman bagay sa kanya itong mga paninda kong mumurahing ribbon, turban, relo, porseras, at hikaw. Ang tagal-tagal na nitong mga paninda ko hindi pa rin maubos-ubos. Pag nabenta ko na lahat ito malamang makapagbayad na ng tuition ang anak kong babae. Umiiyak kasi iyon kanina pag-alis ko dahil baka hindi na naman siya makapag-exam tulad ng dati. Sayang naman nag-aral pa naman iyong mabuti para maganda raw ang gradong maipakita niya sa akin," salaysay ng babaeng vendor.
           "Kung gusto ni Nema sigi bibili ako, gusto mo ba ng mga ito Nema?" nakangiting tanong ni Troy kay Nema.
           "Sigi na Nema bili ka na, wala pa kasi akong benta sa araw na 'to eh. Tiyak ko lalo kang gaganda, itong dilaw na turban na may ribbon bagay sa 'yo to, saka itong hikaw, porseras, at singsing pabili ka na rin mayaman naman iyang si Troy. Wala lang ito sa kanila, tulong mo na lang sa akin Nema," pakiusap ng vendor na may nakasulat na Purefoods sa harap ng kanyang T-shirt kay Nema.
           "O ano Nema, hindi mo ba pagbibigyan ang hiling sa iyo ni Nelia ha?" nakangiting tanong nito.
           "Basta ha mayaman ka ha, kaya ikaw nang bahala. Alam mo namang wala akong dalang pera," pag-aalala ni Nema.
           Agad namang kumuha ng kanyang mga paninda ang vendor at lumapit kay Nema. Isinukat agad nito ang dilaw na turban sa ulo ni Nema. "Sabi ko nga ba eh, bagay na bagay sa iyo iha. Kahit mumurahin lang tong turban ko, aba nagmukhang mamahalin dahil sa ganda mong iyan!" puri nito kay Nema.
           "Oo nga ano, lalo kang gumanda Nema. Nahiya tuloy ako bigla sa iyo," nakangiting biro ni Troy.
           "Ikaw naman, pero magaganda at makukulay naman talaga itong mga paninda mo," puri ni Nema sa mga paninda ng vendor.
           "O ito namang pulang porseras isuot mo Nema, bagay din sa iyo ito, ang ganda kasi ng mga kamay mo, ang kinis-kinis," sabi ng vendor at agad na isinuot ang porseras kay Nema. "O ayan kasyang kasya sa iyo. Napakaganda mo talaga Nema, pwede bang makiusap sa iyo Nema?"
           "Sandali itong bayad ko Nelia saka ibalot mo na rin iyang mga hikaw at relo ibibili ko rin si Nema, may iba pa rin kasi kaming pupuntahan alam mo na, dating gawi," sabi ni Troy.
           "May pakiusap ka sa 'kin ano ba 'yon ha?" magiliw na tanong ni Nema sa vendor.
           "Marami kasing dumaraang mga batang babae kasama ng kani-kanilang mga magulang. Maari bang dito na muna kayo para dumami pa ang benta ko ha. Kailangan ko pa talagang makabenta ng marami sa ngayon, sigi na naman o," pagsusumamo nito kay Nema.
           "Ma tingnan mo ang ganda ng turban na suot ng batang babae bili mo rin ako niyan. Para gumanda rin ako tulad niya, sigi na ma," pagsusumamo ng maliit na batang babae habang titig na titig sa suot na turban ni Nema.
           "Oo nga ano, sigi ale pabili ng turbang kagaya ng suot-suot nitong magandang bata. Ang ganda mo naman iha," puri nito kay Nema at agad na inabot ang bayad sa vendor.
           Mabilis namang isinukat ng bata ang kanyang bagong turban. 
 Tuwang-tuwa ang bata sa bago niyang turban. Nakita ni Nema kung gaano kasaya ang vendor dahil nakabenta ulit siya. Kaya ang ginawa ni Nema tumalikod siya at humarap sa mga nagdaraan. Ginandahan niya ang tayo niya at ngitian lahat ng mga dumaraang bata. Nagpaganda siya nang nagpaganda at paminsan-minsan ay kinakawayan ang mga batang babaeng napapansin niyang tumitingin sa suot niyang turban.
          "Papa bili mo ako ng turban, ang ganda-ganda ng kulay o bagay sa akin!" sigaw ng tuwang-tuwang batang babae na may hawak-hawak na Selecta Cornetto.
          "Mommy bili mo rin ako noon, mamaya na lang tayo kumain sa mall, bili muna tayo niyang magandang ribbon," pakiusap ng isa pang batang babae na may hawak-hawak na Jollibee French Fries.
          Nagpatuloy sa pagngiti si Nema sa mga dumaraan. Maging ang mga magulang ng mga batang babae ay nginingitian na rin niya.
          "Iha tingnan mo o ang ganda ng ribbon na suot ng batang babae, gusto mo ibili rin kita niyan ha?" tanong ng nanay sa kanyang anak na batang babae.
          "Opo mama sigi po bili mo ako niyan, gustong-gusto ko talagang magkaroon ng dilaw na ribbon, buti na lang dumaan tayo dito," sagot ng tuwang-tuwang batang babae habang hinahatak ang kanyang ina papalapit sa vendor.
           Hindi mapigilan ni Troy na lalong humanga sa kagandahan ni Nema habang ngumingiti ito sa lahat ng mga nagdaraan. Parang nanliliit siya sa kabutihang ipinapakita ni Nema. Ngayon lang siya nakakita ng batang ganito kasaya habang tumutulong sa kanyang kapwa.
            Ngumiti pa nang ngumiti si Nema sa lahat ng mga nagdaraan. Nagsilapitan pa ang maraming customers, at lahat sila ay bumili ng marami sa vendor. Ilang sandali lang ay naubos na lahat ang mga paninda ng babaeng vendor. Masayang nagsialisan ang mga batang babae suot-suot ang kanilang mga bagong gamit. Halos mangiyak-ngiyak na sa tuwa ang babaeng vendor. Tiningnan niya si Nema, ang napakagandang mukha ng batang babaeng tumulong sa kanya para maubos lahat ng kanyang mga paninda. "Maraming-maraming salamat sa iyo Nema, napakalaking tulong ang ibinigay mo sa akin hindi mo lang alam..." mangiyak-ngiyak na pasasalamat ng vendor. 
          "Sigi po tumahan na po kayo, wala pong ano man. Masaya rin po ako na nakatulong ako sa inyo," nakangiting sagot ni Nema.           
            "Ang galing mo naman Nema, biruin mo naubos lahat ng mga paninda ni Nelia ng ganon-ganon lang, nakakabilib ka naman," puri ni Troy kay Nema. "O paano Nelia aalis na kami, may iba pa kasi kaming pupuntahan.
          "Sigi Troy maraming salamat talaga sa inyong dalawa, makakapag-exam na ang anak ko nito, salamat paalam," madamdaming pasasalamat at pamamaalam ng vendor.
          "Halika na Nema, maglakad-lakad uli tayo, ano bang pakiramdam mo Nema, masaya ka ba ha?" nakangiting tanong nito sa magandang katabi niya.
          "Ang totoo oo, ngayon lang kasi ako nakatulong sa kapwa. Masaya pala ang pakiramdam pag nakakatulong ka. Nagmumula sa loob ang saya hindi ko masyadong mipaliwanag, basta masaya ako na nakatulong ako," masayang pagtatapat ni Nema.
          Nagpatuloy sa paglalakad sina Troy at Nema.
          "Troy bili ka naman ng Yakult, tagal na nating hindi nagkakasalubong ah. Aba may kasama ka pa, sino ba ang magandang babaeng iyan ha?" tanong ni Jeffrey sa kaibigan. 
          "Ito si Nema 'to kaibigan ko, pabili niyang Yakult. Kanina pa kasi kami naglalakad, nauuhaw na ako," magiliw na salubong nito sa kanyang kaibigan.
          "Mabuti naman para mas madagdagan pa ang benta ko ngayon, ang dami kong benta ngayon, siniswerte ako. Ilan bang bibilhin mo ha dalawa?" nakangiting tanong nito.
          "Oo para kay Nema ang isa," sagot nito. "O Nema umiinom ka rin ba ng Yakult ha?"
          "Ha oo umiinom rin ako niyan," natatawa si Nema sa sarili niya sa mga tanong ni Troy.
          "Ang sarap talaga nitong Yakult, maganda pa sa katawan," sabi ni Troy habang binubuksan ang Yakult. "O ito Nema ipinagbukas na kita, nababaitan ka na sa akin ano, gentleman ako ano?" nakangiting biro nito kay Nema.
          "Sigi na nga gentleman ka na," ganting biro ni Nema at ininom ang ibinigay na Yakult ni Troy. "Ang sarap talaga, natanggal agad ang uhaw ko sa paglalakad natin kanina."
          "Sana magkaroon din ako ng ganyang kagandang kasama Troy, nakakaingit ka naman, turuan mo naman ako ng mga style mo," biro nito kay Troy.
          "Wala natural lang 'to pare, hindi ito inaaral," mayabang na biro ni Troy. "Sigi na aalis na kami ni Nema may iba pa kaming pupuntahan. 
                                                 XXIV

           Tayo na Nema huli na 'to para hindi ka naman masyadong mapagod pangako."
          "Sigi tayo na," sagot ni Nema at agad na naglakad katabi ni Troy. 
          "Isasama kita sa amin, nagugutom na ako payag ka bang mananghalian kasama ako Nema ha?" tanong ni Troy.
          "Oo pero pagkatapos ihatid mo na ako sa amin ha?" pakiusap ni Nema.
          "Oo pangako pagkatapos nito ihahatid na kita sa inyo," paniniguro ni Troy.
           Sumakay ng taxi sina Troy at Nema. "Malapit lang ba ang sa inyo Troy ha?" tanong ni Nema.
           "Hindi naman, sandali lang at makakarating agad tayo," sagot ni Troy. "Manong pakibilis-bilisan lang po ng kunti at nagmamadali kami."
           Pagkarating ng dalawa sa bahay, agad na bumaba si Troy at inalalayan sa pagbaba si Nema. "Napakalaki pala ng bahay niyo Troy," pansin ni Nema.
           "Halika pasok ka sa loob," anyaya ni Troy kay Nema.
           "Sino bang mga kasama mo rito ha?" tanong ni Nema habang pumapasok sa loob ng bahay.
           "Kaming dalawa lang ni papa ang nakatira rito, saka ang ilan naming mga katulong," pagtatapat nito kay Nema.
           "May aquarium rin pala kayo katulad ng sa bahay ni Tito Mike," pansin ni Nema.
           "Oo mahilig kasi ako sa mga isda, lalo na sa goldfish na red- cap saka hammerhead shark. Tingnan mo dalawa ang aquarium namin ang isa para sa mga goldfish at ang isa naman panay hammerhead ang laman," sabi nito sabay turo sa malayong aquarium ng hammerhead shark.
           "Ang ganda namang pagmasdan ng goldfish, ang ganda ng kulay na pula sa ulohan nito, parang isang pulang korona. Saka napakagandang pagmasdan ang paggalaw ng mahabang buntot nito kapag lumalangoy sa tubig. Ang dami naman ng mga iyan," pansin ni Nema. "Ikaw rin ba ang nagpapakain sa kanila Troy?" 
            "Oo ako lang ang pwedeng gumalaw diyan, ayokong pinakikialaman ng mga katulong namin iyan. Natatakot kasi ako na baka manghina ang mga iyan pag masyadong nabulabog."
            "Halika pasok tayo sa dining area namin para makapananghalian na tayong dalawa," anyaya nito kay Nema.
            "Sigi mabuti pa nga at nagugutom na rin naman ako," pagtatapat ni Nema.
            "Troy dumating ka na pala, mabuti naman at naisipan mong umuwi rito, dito ka ba manangnanghalian ha?" tanong ng kanilang katulong na nakasuot ng Varilux Progressive Lens.
            "Oo saka para sa dalawa ang ihanda mo, may kasama ako si Nema bago kong kaibigan. Si papa andito ba?" tanong nito.
            "Oo himala andito, nasa kwarto, pero malamang umalis din agad. Alam mo naman iyang papa mo parating busy. Sigi iha upo na kayo ni Troy, sandali lang at ipaghahain ko na kayo," anyaya ng katulong kay Nema.
            "Magandang umaga bati ni Nema sa katulong," nakangiting bati nito.
            "Good morning iha," bati nito at pinagmasdang mabuti ang mukha ni Nema at tapos ay tiningnan si Troy at ngumiti.
            "Sigi na Nema umupo ka na, tabi tayo. Ano gusto mo ba dito sa amin, komportable ka ba rito Nema?" tanong ni Troy.
            "Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa bahay niyo, ang laki-laki nito halos magkasinglaki lang ng bahay ni Tito Mike. Ganito pala talaga pag may restaurant ano, ang gagara ng bahay," puri ni Nema.
            "Maganda naman talaga 'tong bahay namin, pero pag-araw-araw mo na ring nakikita parang balewala na rin," pagtatapat ni Troy.
            "Di ba sabi mo kanina nakikituloy ka kina Mike? Gusto mo bang sa kanila ka na lang palagi, ayaw mo bang lumipat sa iba halimbawa dito ka na lang sa amin tumira, dalawa lang naman kami ni papa ha Nema?" seryosong tanong nito.
           "Ha salamat, pero nasanay na kasi akong kasama sina Ana at Mac-mac, mami-miss ko sigurado ang mga iyon pag hindi ko na masyadong makikita. Unang kita palang nila sa akin, kahit hindi pa nila ako masyadong kilala pero nagustuhan agad nila ako. Sabi pa nga ni Ana ang gusto niya magkasama na kami habang-buhay," pagtatapat ni Nema.
           "May sasabihin ako sa iyo, hindi ba sabi mo si Sandra ang kasama mo kanina?" tanong nito.
           "Oo sabi ko nga sa iyo," sagot ni Nema.
           "Nag-aalala kasi ako sa iyo, ang totoo kilala ko sina Ana at Mac-mac. Kaibigan ko ang mga iyon. Kaklase ko si Ana. Dalawang linggo na akong hindi pumapasok dahil nagtatampo ako kay papa. Iyang si Sandra naikwento na sa akin iyan ni Mac-mac at base sa kwento niya, mukhang hindi gagawa ng mabuti ang babaeng iyan," pahayag ni Troy.
           "Ha kaklase mo si Ana, at kaibigan mo rin si Mac-mac Troy?" nagulat na tanong ni Nema.
           "Oo kaya sa tingin ko sinadya kang iwanan ni Sandra para mawala ka sa bahay niyo, siguro ayaw niya na kinupkop ka ni Mike. Kay gumawa siya ng paraan para hindi ka na makabalik kina Ana. Sa tingin mo ba hindi sinasadya ni Sandra na iwanan ka sa restaurant namin ha Nema?" tanong nito.

                                               XXV

           Nagulat si Nema sa narinig mula kay Troy. Napaisip siyang mabuti. Pilit niyang binalikan ang mga pangyayari kaninang umaga. At napag-isip-isip niya na sinadya nga ni Sandra na iwanan siya. Hindi maitago ni Nema kay Troy ang kanyang pagkabahala.
           "O ano Nema ayaw mo pa rin bang dito na lang sa amin. Baka sa susunod kung ano na ang gawin sa iyo noon. Baka saktan ka na talaga noon, hindi ka ba natatakot para sa iyong kaligtasan ha?" tanong nito.
           "O Troy, pasensya ka na hindi kasi kami masyadong nagluto akala kasi namin kami-kaming mga katulong lang ang kakain ngayon. Adobong baboy lang at kanin ang nailuto namin at kunting gulay okey lang ba sa iyon ha pasensya na talaga. Pero kung makapaghihintay kayo magluluto pa kami ng iba," pagtatapat ng nag-aalalang katulong.
           "O Nema okey lang ba sa iyo na adobong baboy lang ang kainin natin ha?" nakangiting tanong nito kay Nema.
           "Oo naman ang sarap kaya ng adobong baboy, lalo na pag may kasamang kanin, ang sarap ng sabaw niyan," nakangiting sagot ni Nema habang pinagmamasdan ang nag-aalalang katulong.
           "Ha mabuti naman iha at gusto mo pala ng adobo, sandali at ilalapag ko na ang mga ito. Ano ba ang gusto mo iha juice o Coke?" tanong nito.
           "Coke na lang po manang, paborito ko kasi ang Coke," nakangiting sagot ni Nema.
           "Coke na din po ang sa akin," sabi ni Troy.
            Nagsimulang kumain ang dalawa. Takam na takam si Nema sa kinakain niyang adobo kaya naparami ang kain niya. Kakaiba kasi ang templa ng adobo nila, kaya kakaiba rin ang sarap nito.
            "O Nema payag ka bang dito ka na lang tumira sa amin, dito walang gagawa ng masama sa iyo, safe na safe ka dito sa amin," anyayang muli ni Troy.
           Nag-aalala si Nema sa muli nilang pagkikita ni Sandra. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sakaling magkaharap silang muli. Pero ayaw niyang mahiwalay kina Ana at Mac-mac maging kina Mike at Dona. "Mag-iingat na lang siguro ako, hindi na lang ako masyadong lalapit kay Tita Sandra, saka hindi na ako sasama sa kanya pag niyaya niya akong lumabas muli, pero salamat sa alok mong dito tumira sa inyo," seryosong sagot ni Nema.
          "Ikaw talaga tinakot na nga kita't lahat ayaw mo pa rin, sa susunod na anyayahan kitang tumira dito dadaanin na kita sa papogian tingnan ko lang kong makatanggi ka pa," nakangising biro nito sa seryosong si Nema.
           Ngumiti lang si Nema kay Troy at bumalik sa pagkain ng napakalinamnam na adobo. 

                                               XXVI


           "Troy andito ka pala, sandali 'di ba't inutusan kitang magtrabaho sa restaurant bilang kaparusahan sa pagbubulakbol mo ha?" tanong nito. 

           "Naglinis din naman ako doon papa, kaya lang medyo nagkaroon ng problema. Naiwan kasi itong si Nema ng kanyang Tita Sandra, hindi man lang iniwanan ng pambayad kaya kinaladkad 
ng isa nating waiter. Kaya pinigilan ko agad alangan namang hayaan ko lang siyang gawin iyon kay Nema," paliwanag nito.
           "Ganon ba, pasensya ka na kung ganon iha. Pero hindi mo pa rin sinasagot Troy kung baket andito ka," dagdag pa nito at halinhinang pinagmasdan si Nema at si Troy. "Palagay ko alam ko na kung baket, ikaw talagang bata ka mana ka talaga sa akin."
            Pero hindi tumawa si Troy sa biro ng kanyang ama. Ni hindi nga niya ito tiningnang muli. "Nagtatampo ka pa rin ba sa akin dahil pinarusahan kita. Papa mo ako kaya natural lang ng parusahan kita paminsan-minsan."
            "Oo nga pero anak mo rin ako kaya natural din na magtampo ako palagi," seryosong sagot nito.
            "May gusto ka bang sabihin sa akin Troy?" tanong nito.
            "Baket wala ka bang appointment o ka-meeting na naman papa?"
                  "Ano na naman to babalik na naman ba tayo, alam mo namang kaya ako nagsusumikap na palaguin ang mga negosyo natin ay dahil gusto kong mabigyan ka ng magandang buhay. Ayaw kong maranasan mo ang hirap na naranasan ko dati. Naikwento ko na naman sa iyo ang lahat ng hirap na piangdaaanan ko bago ko napaunlad ang mga negosyo natin. Para sa iyo naman ang lahat ng ginagawa ko ah. Dalawa na lang tayo, wala na ang mama mo magkakaganito pa ba tayo ha?" pahayag nito.
                 "Iyon na nga po papa, dalawa na nga lang tayo, tapos ganito pa tayo," sagot nito at agad na tumayo at lumabas ng dining room.
                 Naiwang kumakain si Nema. Tumigil sa kanyang pagkain si Nema. Susundan sana niya si Troy sa pinuntahan nito pero nakita niyang nakatungo ang ama nito na parang napakalaki ng dinadalang problema kaya nagpasya siyang lapitan at kausapin ito.
                 "O iha pasensya ka na sa aming dalawa ni Troy ha, sa harap mo pa talaga kami nagtalo. Nakakahiya naman sa iyo, pasensya na talaga. Pero gusto ko lang namang intindihin ng batang iyon na lahat nang pagsisikap ko sa buhay ay para sa kanya, mahal na mahal ko ang batang iyon," madamdaming pagtatapat nito kay Nema.
                 Tumahimik sandali si Nema. Pinagmasdan niya ang mukha ng ama ni Troy at napagtanto niyang totoong mahal nito ang kanyang nag-iisang anak. Kaya kahit nag-aalangan ay sinubukan niya itong kausapin.
                 "Pasensya ka na talaga sa amin ni Troy iha," muling paumanhin nito.
                 "Alam niyo po sir, naiintindihan ko naman na ang lahat nang ginagawa niyo ay para sa kinabukasan ng anak mong si Troy. Na kaya ka parating umaalis ng bahay ay para magtrabaho. At dahil sa sobrang busy mo nga hindi mo na masyadong nakikita ang anak mo. Alam kong mahirap din iyan para sa iyo, dahil nakikita kong mahal mo ang iyong kaisa-isang anak. Alam niyo ho niyaya ho akong kumain kanina ni Troy. Sabi niya gusto raw niya akong makasamang kumain. Kasi gusto niya raw makasamang kumain ang mga taong gusto niya, iyong mga taong mahal niya,iyong mga taong mahalaga sa kanya. Kahit hindi na araw-araw maski isang beses lang sa isang linggo. Ang mahalaga lang sa kanya ay makasama niyang kumain ang taong mahalaga sa kanya at makausap kahit sandali lang," pagtatapat ni Nema.
                Napaisip ang papa ni Troy. Pinagmasdan niyang mabuti si Nema. Dahan-dahan niyang naunawaan ang mga dahilan kung baket nagkakaganoon ang kanyang anak. Tama halos hindi na nga sila nagkikita ni Troy dahil sa kanyang trabaho. At sa tuwing magkakaroon siya ng pagkakatong makasama ang anak niya ay poro naman pagdidisiplina ang ginagawa niya. Palagi niya itong senesermonan imbis na kausapin at kumustahin kong ano ang mga ginagawa niya at sa kung ano pa ang mga gustong gawin nito. Iyong mga bagay na totoong magpapasaya sa mga katulad niyang bata. Naalala niyang noong maliit pa siya, mahirap nga sila at parati ring abala ang kanyang ama sa pagtratrabaho pero kahit papano ay nagkakasama silang kumain nito. At sa tuwing kumakain silang magkasama ay napag-uusapan nila ang maraming bagay na nagpapasaya sa kanya noon.
               "Maraming salamat iha  at naliwanagan ako sa mga sinabi mo sa akin. Siguro'y dapat kung kausapin ang anak ko para magkaintindihan kaming dalawa. Lumabas ng dining room ang papa ni Troy at naiwan si Nema. Napagpasyahan ni Nema manatili na muna sa dining room para mabigyan ng pagkakataong makapag-usap nang masinsinan ang mag-ama. Kaya ipinagpatuloy na lang niya ang kanyang pagkain. Napakasarap talaga ng luto ng kanilang katulong, natawa si Nema sa naisip niya matapos ang madamdaming tagpo ng mag-ama. Nagpatuloy sa pagkain si Nema habang iniisip kong ano na ang nangyayari sa pag-uusap ng mag-ama. Natapos na sa pagkain si Nema kaya ininom na niya ang kanyang Coke. Ilang sandali pa ay bumalik na si Troy na nakatawa. Linapitan niya si Nema at pinasalamatan.
              "Ikaw talaga Nema oo, akalain mo bang nang dahil sa iyo ay magkakasundo kaming muli ng papa ko, pero salamat ha hulog ka ni Sandra, este hulog ka ng langit," biro nito kay Nema.
              "Talaga magkasundo na kayo, mabuti naman kung ganon," sagot nito.
              "At dahil nagkasundo kami ng papa ko dahil sa iyo, bilang premyo mo dito ka na titira sa amin, sa ayaw mo at sa gusto," nakangising biro nito sa magandang si Nema.
              "Ikaw talaga Troy nagbibiro ka na naman," alanganing sagot ni Nema.
              "Anong nagbibiro dito ka na sa amin sa ayaw mo't sa gusto at pumayag na si papa kaya dito ka na lang habang-buhay," nakangising biro nito ulit. "Ikaw talaga ba't ba ayaw mo dito sa amin kulang pa ba ang kapogian ko para sa iyo hayaan mo dagdagan ko pa ang paliligo ko baka sakaling pumasa na ako sa iyo."
              "Ibig sabihin ihahatid mo na ako kung ganon," alanganging sagot ni Nema.
              "Hindi ka naman nakikinig eh, dito ka na sa amin, bahala ka hindi na kita papaalisin," biro nitong muli at agad na hinatak si Nema palabas ng dining room. "Sigi na ihahatid na kita, baka magalit ka na sa akin ayaw ko pa namang nagagalit sa akin ang babaeng gustong-gusto ko."
              "Mabuti naman maya-maya lang ay darating na rin sina Ana at Mac-mac baka mag-alala ang mga iyon pag hindi ako nadatnan sa bahay," nakangiting sagot ni Nema.
              "Talaga hindi ka natatakot kay Sandra, eh kung iligaw ka ulit noon," biro nito.
              "Bahala na andoon naman si Mac-mac ipagtatanggol ako noon," paniniyak ni Nema.
              "Eh kung ligawan naman kita anong gagawin mo, ipagtatanggol ka rin ni Mac-mac ha?" biro nito.
              Ngumiti lang si Nema sa sinabi ni Troy. Inihatid ng kanilang driver si Troy at si Nema sa bahay ni Mike. Pagkarating nila wala pa ni isang nakakauwi ng bahay. Kaya natuwa si Troy, matagal pa niyang makakasama ng solo si Nema. "Papano iyan Nema tayong dalawa lang ang nandito, alam ko na tutal ayaw mo namang tumira sa amin eh di dito na rin ako titira para magkasama tayo araw-araw. Tutal mukhang boto naman sa iyo ang papa ko. Anong masasabi mo Nema payag ka ba," pangungulit nito kay Nema.
              "Halika manood tayo ng TV, mukhang maganda ang palabas ngayon," nakangiting pag-iwas ni Nema sa tanong ni Troy.
              Nanunuod naman agad na magkatabi ang dalawa. Nanunod sila nang nanunod ng TV paminsan-minsan ay tumatawa ng malakas si Troy. Panay lang ang ngiti ni Nema.
              "Nema payag ka ba na ligawan kita ha?" tanong ni Troy.
              "Ha eywan ko..."
              "Guapo ako maganda ka bagay tayo," nakangiting sabi ni Troy. "Eh kung may ibang manligaw sa iyo, tapos sinabi niya na gusto ka niya, mahal ka niya sasagutin mo ba ha Nema?" tanong nito kay Nema.
              "Ha eywan ko rin, depende siguro.." nakangiting sagot ni Nema na may biglang naalala.

                                        XXVII

               Lumipas pa ang ilang oras ay narinig nilang gumarahe na ang isang sasakyan sa tabi ng bahay ni Mike. Ilang sandali lang ay narinig nilang may papalapit na sa kanilang kinaroroonan.
              "Nema andito na kami!" malakas na sigaw ni Mac-mac kasunod sina Ana at John.
              "Mac, Ana andito na pala kayo, mabuti naman," masayang salubong ni Nema sa mga kaibigan.
              "Eh ako Nema hindi ka ba natutuwa na andito na ako sa wakas ha?" biro nito. "Ba't nandito ka Troy?"
              "Oo nga ang tagal-tagal mo nang hindi pumapasok tapos dito ka pa talaga sa bahay namin makikita. Ano bang nangyayari ha?" nagtatakang tanong ni Ana.
               Hindi sumagot si Nema nag-aalangan siyang ipagtapat kina Ana at Mac-mac kung ano ang mga nangyari sa kanya kanina kasama si Sandra.
              "O Mac-mac, Ana, John masaya rin akong makita kayong tatlo," biro nito. "O ano Nema umamin ka na kasi, huwag kang matakot andito naman ako eh."
              "Ha anong sabi mo Troy?" tanong ni John. "Anong andito ka naman."
              "Oops sandali lang relax lang, ano ba talaga ang nangyari Nema ha, kinakabahan na ako sa iyo magsabi ka na," pag-aalala ni Ana para sa kaibigang si Nema.
              "Ako na lang ang magsasabi para matapos na 'to," sagot ni Troy at agad na ikinuwento ang buong pangyayari.
              "Ano sabi ko na sa inyo Ate Ana, Ate Nema napakasama talaga niyang si Tita Sandra. Asan na nga ulit iyon at nang maapakan ko ulit ang paa!" biro ni Mac-mac.
              "Ba't hindi mo na lang ako tinawagan Nema para ako na lang ang nagbayad ng bill niyo ni Tita Sandra, ha?" tanong ni John habang nakatingin kay Troy.
              Tinitigan din siya ni Troy. At nagsimulang may mapansin si Troy kina Nema at John.
              "Tatawagan na sana kita John para magpasundo sa 'yo, kaya lang naiwanan ko dito sa upuan ang cellphone ko itinabi ko kasi ito matapos kong tingnan ang mga laman nito," sagot ni Nema kay John.
              Ngumiti naman agad si John. "Ah kaya naman pala, pinagmamasdan mo pala ang mga pictures ko diyan, kaya sa sobrang tuwa mo inilagay mo sa tabi mo para pwede mo uli akong makita kahit kailan mo gusto, sabi ko na nga ba eh," pagmamayabang nito habang nakatingin kay Troy.
              "Oo na John ikaw na talaga, ibigay mo na kaya iyang dala mong Hershey's kay Nema at nang maumpisahan ko nang kainin, kanina pa ako humihingi sa iyo, ayaw mo naman akong bigyan," biro nito.
               Lumapit naman agad si John kay Nema at agad na hinatak paupo sa tabi niya. "Kainin mo na lang muna itong chocolates ko Nema, habang iniisip ko pa kung paano ko gagantihan ang Sandrang iyan sa mga ginawa niya sa iyo," alo nito kay Nema.
               "Huwag ka nang mag-alala kuya John, ako nang bahala doon," pagmamayabang muli ni Mac-mac.
               "Sandali Troy kanina pa ba kayo dito ni Nema ha?" tanong ni Ana.
               "Mga ilang oras na rin, pagkatapos kasing mananghalian ni Nema sa bahay namin ay inihatid ko na agad siya rito," sagot ni Troy.
               "Ganon ba, kawawa ka naman pala Nema natagalan ka sa paghihintay sa akin," hirit ni John habang nakatingin kay Troy.
               "Nema pahingi naman niyang chocolates ayaw kasi talaga akong bigyan nitong si John eh," nakangiting pakiusap ni Ana kay Nema.
               "Ako rin Ate Nema bigyan mo rin ako, saka damihan mo marami naman ang mga iyan eh," nakangiting sabi ni Mac-mac. Hinatian naman agad ni Nema ang dalawa. Takam na takam ang tatlo habang kumakain ng Hershey's Chocolate. At habang abala sa pagkain ang tatlo tumayo at humiwalay nang bahagya sina Troy at John para mag-usap.
               "John nanliligaw ka ba kay Nema ha?" tanong nito kay John.
               "Hindi," nakangiting sagot nito kay Troy.
               "Talaga hindi mo nililigawan si Nema," sagot ni Troy.
               "Hindi, kasi hindi na kailangan hindi mo ba napapansin ha?" tuwid na sagot nito kay Troy.
               Tumahimik sandali si Troy sa narinig niya kay John.
               "Alam mo aaminin ko sa iyo gusto ko rin si Nema," sagot nito. "May tinanong ako kay Nema kanina, tinanong ko siya kung sasagutin ba niya kung may ibang manliligaw sa kanya--"
               "Tinanong ko na rin siya niyan dati pa," sagot nito.
               "Anong sagot ni Nema sa iyo?" tanong ni Troy.
               "Mabilis lang, ang sabi niya, 'Hinding-hindi!'."
               Naunawaan agad ni Troy na may pagkakaunawaan na sina John at Nema. "Okey marunong din naman akong umintindi. Alam ko kung saan ako lulugar. Masaya na rin ako at kahit papaano'y nabigyan ako nang pagkakataong makasama si Nema. Natulungan pa niya na magkaintindihan kami ni papa. So papaano pare, obviously the best man won," bati nito kay John.
               "Salamat din Troy sa pag-aalaga mo kay Nema habang wala ako," sagot nito kay Troy.
               "Papano Nema magpapaalam na ako sa iyo, salamat sa tulong mo sa amin ni papa," paalam nito kay Nema.
               "Ha o sigi salamat din sa pagtatanggol mo sa akin kanina, at sa paghahatid mo sa akin, ingat ka," paalam ni Nema kay Troy.
               "Bye Nema," paalam ni Troy kay Nema.
               "Kita-kita na lang tayo uli," paalam ni Mac-mac at Ana kay John.
               Umalis naman agad pagkatapos ni Troy.
               "Sigi kumain na uli tayo baka malusaw ang mga chocolates sa titig ni John kay Nema," biro ni Ana. "Ikaw na talaga John."
                Kumain na magkakatabi sina John, Nema, Ana, at Mac-mac. "O ang rosas Mac-mac asan na ibigay mo na kay Nema ko," utos ni John kay Mac-mac.
                "Ano bayad muna ako kaya ang pumitas nito sa hardin ni mama," biro nito sabay abot sa nakabukas na palad nito sa kaibigang si John.
               "Sigi na nga o ayan bayad mo, bigay mo na iyan para malaman ni Nema kung gaano ko siya kamahal," nakangiting utos nito kay Mac-mac sabay abot nito sa palad ni Mac-mac.
               "Salamat John ha, ang ganda naman ng bulaklak na ito," pasasalamat ni Nema kay John.
               "Magandang gabi mga bata...." bati ng kadarating pa lang na si Sandra, biglang natigilan ng makita si Nema. Nagtinginan ang mga bata.
               "O mga bata binati kayo ng Tita Sandra niyo ba't hindi kayo sumasagot," tanong ni Mike.
               Tumayo naman agad si Mac-mac para magmano kay Sandra.
               "Aray ko! Ang paa ko!" hiyaw ni Sandra.
               "Mac-mac naman mag-ingat ka naman naapakan mo na naman ang paa ng Tita Sandra mo," saway ni Mike kay Mac-mac.
               "Pasensya na po tito, hindi ko po talaga sinasadya, masakit kasi ngipin ko kaya nalingat ako nang kunti," palusot muli nito.
                "Ha masakit na naman ang ngipin mo papano to nagdala pa naman muli ako ng mga prutas para sa inyo, saka nagdala na naman ako ng Selecta Ice Cream," pahayag ni Mike.
                "May vanilla ba tito ha?" nakangising tanong ni Mac-mac handang-handa sa isasagot kapag sumagot si Mike.
                "Chocolate ito....... pero may vanilla din syempre,"
                "Iyang vanilla na lang po ang sa akin Tito Mike, para mawala na ang sakit ng ngipin ko," sagot nito.
                "O sigi na Mac-mac kumuha ka ng baso para makakain ka na ng Selecta Ice Cream para mawala na iyang sakit ng ngipin mo," muling pangungunsinti ni Ana sa nakababatang kapatid.
                Hindi na nagsalita pa si Sandra, umalis agad ito at nagtuloy sa kanilang kwarto ni Mike.
                Palihim na tumawa ang mga bata. Pero wala ni isa man sa kanilang nagsumbong sa ginawa ni Sandra kay Nema.
                "Kumusta ka na John, totoo bang dinadalaw mo itong si Nema ha?" tanong nito kay John.
                "Opo tito, wala akong magagawa eh mahal ko talaga eh, hindi ako mapakali kung hindi ko nakikita itong si Nema," nakangiting sagot nito kay Mike.
                "Basta gaya nang nasabi ko na, mga bata pa kayo, kaya hinay-hinay lang kwentuhan lang muna kayo, kulitan lang muna, maliwanag ba iyon John," bilin nito kay John.
                "Opo tito, good boy naman po ako, alam naman ni Mac-mac iyon," biro nito habang nakatingin kay Mac-mac.
                "Opo Tito Mike good boy na good boy po talaga itong si John parang ako good boy din," sabat nito.
                "Alam ko namang good boy ka John, pero panatilihin mong ganon, okey," bilin ni Mike.
                "Opo tito," sagot ni John. 
                "O sigi maiwan ko na muna kayo rito, magpapahinga na muna ako at medyo napagod ako sa lakad namin ni Sandra," paalam ni Mike at agad na lumakad patungo sa kanilang kwarto.
                "Maari bang huwag niyo na lang sabihin ang ginawa sa akin ni Tita Sandra para wala nang gulo, iiwas na lang ako sa kanya," pakiusap nito sa tatlo.
                "Susubukan ko," sagot ni Mac-mac. "Hanggat kaya ko syempre..."
                "Nema napakaganda naman ng dilaw mong turban bagay na bagay sa iyo lalo kang gumanda, saka iyang porseras mo ang ganda rin," puri nito kay Nema. Subalit biglang natahimik si Ana nang mapansing
tinititigan siya ni John. Nanahimik sandali ang apat.
                "Nema hubarin mo nga muna iyang turban at porseras mo, ibigay mo na muna kay Mac-mac," utos nito kay Nema. Nag-aatubili pero sumunod naman agad si Nema.
                Tahimik pa rin ang apat, gusto sanang magbiro ni Mac-mac kung aanhin naman niya ang turban, masyado siyang pogi para sa dilaw na turban naisip niya. Pero sumunod na rin ito at tinanggap mula kay Nema ang turban at porseras.
                Biglang ngumit si John kay Mac-mac, "Bata, magkano ba iyang turban mo?" tanong ni John.
                "Ha, kung mapilit ka eh di sigi, alam mo maganda to, imported to mula Paris, mahal to kaya mo
ba?" nakangiting tanong nito.
                "Tama na ba ang mga ito," sabi ni John sabay abot sa pera sa nakabukas na palad ng nakangising si Mac-mac.
                "Sold! Sold to the highest and only bidder!" sagot ni Mac-mac at agad na nagtatalon habang nakaupo sa magarang sofa.
                "Ana pakitulungan nga si Nema sa regalo kong dilaw na turban at porseras," nakangiting utos nito kay Ana.
                Sumunod naman agad si Ana at isinuot kay Nema ang turban at porseras.
                "Bagay ba sa akin ang turban at porseras Ana ha?" nakangiting tanong ni Nema.
                "Bagay na bagay ang ganda-ganda mo Nema ang kulang na lang yata magtabi kayo ni John at kunan ko kayo ng pictures!" excited na sagot ni Ana. "O John ano pang hinintay mo tabi na agad nang makunan ko na kayo ng letrato. Tumabi naman agad si John at inakbayan nang bahagya si Nema sa pagkakaupo nito.
                "Okey ito na smile!" natatawang utos ni Ana.
                 Muling nagkwentuhan ang apat. Nagkwentuhan sila nang nagkwentuhan nang matagal. Masayang-masaya sila sa kanilang kwentuhan. Ilang sandali lang ay nagpasya na ring magpaalam ni John.
                "Papano Nema babalik na lang uli ako, baka tawagan din kitang muli bukas ng umaga," paalam ni John. "Paalam na rin sa inyo Ana, Mac-mac."
                "Bye John," sabay-sabay na paalam ng tatlo kay John. Pagkaalis ni John agad namang pumasok sa kani-kanilang kwarto ang tatlo para makapagpahinga.

                                        XXVIII

                 Kinaumagahan, pagkagising ni Nema agad siyang naligo gamit ang Safeguard at naghanda para sa almusal. Isinuot niya ang pink na Bench dress at skechers na sapatos. Narinig niyang nag-ring ang kanyang Samsung Cellphone. "Hello..." sabi ni Nema.
                "Hello Nema ako 'to si John," magiliw na umpisa ni John.
                "Napatawag ka John."
                "Kumusta ka nakatulog ka bang mabuti ha? Malamang napanaginipan mo na naman ako," biro uli nito. "Tumawag ako para sabihin sa iyo na pupuntahan kita riyan muli pagkatapos ng klase namin nina Ana."
                "Ganon ba sigi hihintayin ko kayo ni Ana at Mac-mac, John," sagot ni Nema.
                "Saka mangako ka sa akin ha, huwag na huwag ka nang sasamang muli kay Tita Sandra, iwasan mo na lang siya nang iwasan, ayokong maulit na naman iyong nangyari sa iyo kahapon," paalala nito kay Nema.
                "Oo pangako mag-iingat ako, iiwasan ko na lang si Tita Sandra," sagot ni Nema.
                "May klase pa ako, sigi paalam na... mahal kita Nema bye..." paalam ni John kay Nema.
                "Bye John..." sagot ni Nema. Narinig niyang ibinaba na ni John ang kanyang cellphone. Bumaba na agad si Nema para mag-almusal. Nadatnan niyang hinihintay na siya sa hapag-kainan nina Mike, Dona, Ana, at Mac-mac. Binati kaagad siya ng mga ito, "Good morning Nema," bati ng tatlo.
                "Good morning din," sagot ni Nema. Umupo naman agad si Nema at kumain. Masayang kumain ang apat. Sarap na sarap sila sa mga luto ni Dona. Pagkatapos nilang kumain ay agad nang inihatid  ni Dona ang kanyang mga anak sa school. 

                                               XXIX

          Naiwan si Nema at nagpasyang maupo na muna sa sala. Nagpasalamat siya na hindi pa rin bumababa si Sandra. Nanuod na muna ng TV si Nema at paminsan-minsan ay pinagmamasdan din niya ang magandang isda sa aquarium. Nanuod nang nanuod ng TV si Nema.       
               "Napakadamot mong talaga para dalawang milyon lang ang kinuha ko sa bangko, tapos nagagalit ka na nang ganyan, eh ang kapatid mo nga at mga pamangkin binibigyan mo rin naman ng pera ah!" narinig ni Ana ang malakas na boses ni Sandra.
          "Saan mo ba dinala 'yong dalawang milyong kinuha mo sa  bangko ha Sandra, mahirap bang sagutin 'yan, siguro inubos mo na naman  sa kakasugal sa casino ano?" bulyaw ni Mike sa asawa.
           "Anong gusto mo dito na lang ako parati sa bahay, ano bang gagawin ko dito, bagot na bagot na ako sa pamamahay na ito, karapatan ko rin namang mag-libang, saka anong problema mo eh ang laki-laki naman ng kinikita ng mga negosyo natin. Ang sabihin mo  hindi mo lang talaga ako mahal kaya pinagdadamutan mo ako. Wala ka nang ibang inisip kundi si Sonia!"
           "Alam mo from the start na si Sonia ang mahal ko, hindi ako kailan man nagsinungaling sa 'yo.  Pinilit mo lang akong pakasalan ka dahil sa ipinagbubuntis mo, pero anong ginawa mo... hindi ka nag-ingat labas ka pa rin ng labas noon gabi-gabi, inom ka pa nang inom, nalaglag  tuloy ang anak ko dahil diyan sa kapabayaan mo.  Iyon na nga lang sana ang magpapasaya sa 'kin sa pagsasamang ito, pinabayaan mo pang mawala.  Sa kabila nang ginawa mo ay binigyan pa rin kita nang magandang buhay.  Pero anong iginanti mo, wala ka nang ginawa kundi magsugal nang magsugal at magwaldas ng pera.  Mabuti sana kung nanalo ka sa sugal na 'yan, kaso palagi ka namang talo, hindi ka na nagtanda.  Magmula sa araw na ito hindi ka na makakapag-withdraw maski singko, dahil hihiwalayan na talaga kita, tandaan mo 'yan!" mahabang bulyaw at pagbabanta ni Mike sa asawa.
         Bahagyang nabagabag si Nema sa narinig niyang pagtatalo ng mag-asawang Sandra at Mike kaya dahan-dahan siyang lumipat sa may hardin.  Pagkarating niya roon ay nakita niya ang maliit na mesa at upuan sa tabi nito.  Lumapit siya rito at agad na naupo.  Pinagmasdan niyang mabuti ang flower garden ni Dona.  Natuwa siyang pagmasdan ang mga 'to.  Maya-maya lang ay nakita niyang papalapit sa kanya ang maliit na puting aso ni Mac-mac. Umupo iyon sa may paanan niya.  "Ang ganda-ganda mo namang aso, halika nga kakargahin kita sandali," sabi ni Nema.  Hinaplus-haplos ni Nema ang mahahaba at malambot nitong balahibo.  "Sa susunod ako naman ang magpapaligo sa 'yo gamit ang Shieldgard na bili ni Mac-mac para lalo pang lumambot at kumintab itong mga balahibo mo."  Tapos ay inilagay ni Nema sa mesa ang aso at pinakain ng Alpo Dog Food.  Inumpisahan naman agad itong kainin ng aso at ilang sandali lang ay naubos niya na agad ito.  Nanatiling nakaupo si Nema,  naisip niya na kahit papano ay maswerte pa rin siya dahil may mga taong kumupko sa kanya.  Kaya napagpasyahan niyang huwag nang pilitin pa ang sarili na alalahanin ang kanyang nakaraan at kung maalala pa nga niya ito ay hahayaan na lang niyang dumating ito ng kusa. 
                                    
                                                 XXX     
      
           Pagkalipas ng mga isang oras,  nakita niyang papalabas ng bahay si Mike, papalapit sa kanya. 
         "Nema, halika na aalis na tayo para para sa napag-usapan natin noong mag-dive tamang-tama alas nueve na ng umaga dito sa relo kong Seiko,"  anyaya nang ngayo'y kalmado ng si Mike.
         "Opo, sigi po alis na po tayo Tito Mike," sagot ni Nema.  
         "O siya, mabuti't handa ka na rin pala sa lakad natin.  Halika na sa kotse at pupunta na tayo roon," dagdag pa ni Mike.  Habang nagbibiyahe ay nag-usap silang dalawa.
         "Alam mo Nema masaya ako na napunta ka sa bahay ko napapansin ko na lalong sumaya ang mga pamangkin ko magmula nang dumating ka.  Mukhang magkasundong-magkasundo kayong lahat," puna ni Mike.
         "Oo nga po eh ang babait nila sa, 'kin, palagi nila akong tinutulungan," paglalahad pa ni Nema.
         "Narinig mo ba ang pag-aaway namin ni Sandra kanina Ana?" tanong ni Mike kay Ana.
         "Opo, pero lumabas din po ako papuntang garden pagkatapos."
         "Pasensya ka na sa amin kung ganon," paumanhin ni Mike. "Kalimutan na lang muna natin 'yun."  Nanatiling tahimik si Mike sa buong biyahe, maging si Ana ay nanahimik rin.

XXXI

         Nang marating nila ang lugar ay agad naman silang bumaba ng kotse at pinuntahan ang Dive Guide.  Ipinaliwanag ng huli ang tungkol sa mga underwater hand signals at iba pang safety precautions.  Ilang sandali lang at sumakay na sila sa yate para puntahan ang napiling diving spot.
         Matapos suutan ng mask at maikabit ang oxygen tank sa dalawa ay umakmang tatalon na ang mga ito sa dagat. Pagkatalon ng dalawa ay parang may nag-ring na telepono sa loob ng yate. Habang nasa ilalim ng dagat ay nakakita si Nema ng maraming uri ng mga isda tulad ng lionfish, stingray, clownfish at mga makukulay na corals.  Hindi niya sigurado pero ang gaan-gaan ng loob niya sa mga isda.  Hindi dahil sa makukulay ang mga ito, kundi may iba lang talaga siyang nararamdaman para sa mga isda.  Kung anong dahilan ay hindi niya maipaliwanag.
         Pag-ahon nila mula sa ilalim ay napansin nilang dalawa na may baong tao sa loob ng yate. Parang nag-alala ito sa kung anong hindi malaman na kadahilanan.  At laking gulat nito nang makitang umahon ang dalawa na masayang-masaya.  Mga tatlumpong minuto rin sila sa ilalim ng dagat. "Ang ganda talaga ng tanawin sa ilalim ng dagat hindi ba Nema?" tanong ng ngayo'y nakangiting si Mike sa batang babae.
         "Opo, nakakatuwa pong talaga, sana maulit itong muli." Nang dumaong na ang yate ay may kinausap sandali si Mike. Biglang nilapitan ng mukhang nag-aalala at nagtatakang tao si Nema. "Iha siguradong okey ka lang?"
         "Opo okey lang po ako," sagot nito. 
         "Hindi ko alam kung anong nangyayari pero nakita kong suot mo kanina ang dilaw na oxygen tank at napag-alaman ko na..." hindi na itinuloy ng lalake ang sasabihin sana nito at nagpasalamat na lang sa loob-loob niya.


XXXII
   
         Mga ala-una na ng hapon nang makauwi sina Mike at Nema sa bahay tapos ay agad na nagpahinga  ang dalawa sa kani-kanilang kwarto.  Maya-maya lang ay nagmadali namang umalis si Mike papasok ng kanyang restaurant para magtrabaho. Maliligo na sana sa banyo si Nema nang biglang may nakita siyang lalaking papasok ng bahay.  Pero hindi niya na lang muna ito pinansin. Matapos niyang maligo ay naisip niyang mag-swimming na muna.  Tuwang- tuwa siya sa ginagawa niya.  Sinubukan niyang magtagal sa ilalim ng pool  gaya ng ginawa nila ni Mike kaninang umaga sa may dagat. Napansin niyang ang tagal-tagal na niya sa ilalim ay hindi pa rin siya nauubusan ng hininga. Tinagalan pa niya ng tinagalan. Hanggang sa mapansin niya na kaya niyang huminga sa ilalim ng tubig. Dali-dali siyang umahon  mula sa pool at natakot sa nalaman sa sarili.  Bakit ako nakakahinga sa ilalim ng tubig.  Isda lang naman ang nakakagawa noon sa pagkakaalam niya. Litong-litong pumasok ng bahay si Nema at nakita niyang hinahalikan ng lalake ang asawa ni Mike.  Nagkubli siya sandali para matiyak na tama ang hinala niyang kalaguyo ng babae ang lalake.  Napagtanto niya na may relasyon nga ang dalawa at niloloko nito ang asawa.  Dali-daling umalis ng bahay si Nema papuntang restaurant para isumbong sana ang nakita. Lumakad siya nang mabilis, tumakbo nang tumakbo.  At sa kakatakbo niya ay nabonggo niya ang isang lalake sa may kalsada. Nadapa si Nema.  Laking gulat ng lalaking nakabangga sa kanya nang makita niya ang hitsura ni Nema.  " O Ineng pasensya na nabangga na  naman kita ulit." Nagtaka si Nema sa sinabi ng lalake gayong para sa kanya ay ngayon pa lang naman niya ito nakita. "Mabuti nama't nagising ka na dahil ng iniwan kita sa may hospital ay comatose ka pa noon. Nakakatawa naman nabangga na naman kita ulit, buti naman at hindi na ako nagmamaneho ngayon tulad nang dati. Mabuti naman at napagaling ka agad ng mga doctor sa Saint John's Hospital."  Umalis agad ang lalake pagkatapos.  Alam ni Nema kung nasaan ang hospital na binanggit nito, dahil nadaanan na naman nila ito nong isang araw.
         Pinuntahan agad niya ito.  Pagpasok niya sa loob ay agad siyang nagtanong sa isang nurse kung talagang may batang na comatose nang mabangga ng kotse.  Itinuro naman agad ng nurse, na bagong dating pa lang mula sa mahabang bakasyon, ang kwarto ng batang nabangga.  Laking gulat ni Nema nang makita ang batang nakahiga sa kama.  Kamukhang-kamukha niya ito . Tiningnan niya ito nang paulit- ulit,  parang kambal silang dalawa.  Tinapik niya ito sa balikat.   Maya-maya ay dahan-dahang gumising ang bata sa pagkakatulog nito.  Nagulat siya sa nakita niya. Napansin niyang magkamukha silang dalawa. 
         "Ba't magkamukha tayo?" tanong ni Nema. 
         "Hindi ko alam, pero sigurado akong wala akong kakambal dahil vinideo ng tito ko ang pagsilang ko at wala akong kakambal doon,"tugon nito.  "Sandali ako si Emma, ikaw?"
         "Nema ang gamit kong pangalan kasi may amnesia ako." Naglakas loob magtanong si Nema sa batang babae. "Nakakahinga ako sa ilalim ng tubig, ikaw nakakahinga ka rin ba?"
         "Hindi," sagot ni Emma.  "Nakakahinga ka kamo sa ilalim ng tubig?  Alam mo may isinulat akong kwento ng isang isda, clownfish,  na naging tao at nanalo iyon sa isang contest.  Kaya, pinuntahan ko ang hindi ko pa nakikitang tatay para magpakilala sana.  At dinala ko 'yon para ipakita sana sa kanya. Subalit ipinagtabuyan ako ng asawa niya. Sabi niya, "Umalis ka dito, huwag ka nang babalik!"  Biglang naalala ni Nema ang mga nangyari sa araw na iyon. Ito pala ang batang naririnig niya mula sa loob ng aquarium sa may sala habang siya'y naghihingalo. "Pero, bakit siya naging tao?" tanong niya sa sarili.

         "Ano bang isinulat mo ha?" tanong niya ulit.
         "Sinulat ko na kapag ang isang isdang naghihingalo ay nakarinig ng boses ng isang batang umiiyak at ginusto niyang tulungan ito, siya ay magiging tao," paglalahad ni Emma.   Naalala ni Nema na habang nahihirapan siyang huminga ay may narinig nga siyang batang babaeng umiiyak at kahit nahihirapan na siya sa paghinga ay ginusto pa rin niyang tulungan at patahanin ito.  Subalit hindi na mahalaga para sa kanya kung totoo man ito o hindi.  Basta dapat malaman ni Mike ang panloloko sa kanya ng kanyang asawa at higit sa lahat ay malaman nitong may anak na siya. 
         "Kaya mo na bang tumayo, gusto mo bang sumama sa 'kin pupuntahan ko ang tatay mo?" Pumayag naman agad si Emma at nang makalabas ang dalawa'y nagmadali  silang pumunta sa kinaroroonan ni Mike.  Subalit pagdating nila roon ay nakaalis na raw ito pauwi ng bahay. Kaya dali-dali silang naglakad pauwi.   
  
XXXIII

         Nang makapasok sila sa loob ng bahay ay nakita nilang tinututukan ng baril si Mike ni Sandra.  Habang tinatali ang mga kamay nito ng kalaguyo ng babae.  "Pakawalan mo si Tito Mike!" sigaw ni Nema sa lalake.
         "Aha, mabuti't andito na pala ang anak mo Mike at dalawa pa pala kayo," sabi ni Sandra.
         "Mga anak ko kayong dalawa, papanong?" 
         "Oo nga pala ano, hindi mo nga pala alam na may anak ka na.  Ang totoo, minsan ay nagpunta na ang isa sa mga  anak mong iyan dito sa bahay at nagmaka-awang makita ka.  Pero syempre, pinalayas ko agad at pinag-tabuyan palabas ng bahay.  At sa sobrang galit ko noong araw na iyon dahil sa natuklasan kong nagka-anak kayo ni Sonia, pinagbalingan ko ang isda nyong si Anema at tuluyan ko nang pinatay kahit alam kong  malapit na rin namang mamatay 'yun.  Kinuha ko ang isda mong si  Anema mula sa loob ng aquarium at ibinalot  sa dala-dalang magazine ng anak mo. Tapos ay buong kasiyahan ko itong itinapon sa labas ng bahay para masagasaan ng mga nagdaraang sasakyan!"
         "Napakasama mong babae Sandra, ni hindi ko naisip na makakaya mong gawin sa akin ang mga bagay na 'to," sabi ng hindi maka-paniwalang si Mike.
         "Sigi itali mo rin ang dalawang nakakainis na mga batang 'yan, Alec," utos ni Sandra.
         Matapos talian ang dalawang bata ay pinalabas agad ang mag-ama at Nema papuntang kotse. "Sigi, pasok nang mai-dispatsa na namin kayong tatlo!" pananakot ng kalaguyo ng babae na si Alex. Matapos ay nagmaneho sila papuntang tabing dagat at dali-daling isinakay sa isang malaking yate ang kanilang mga bihag. Tumigil sa kalagitnaan ng dagat ang yate. 
         "Akala mo papayagan kitang mahiwalayan ako nang ganun-ganon lang.  Bago ka mapunta kay Sonia ay mabuti pang mamatay ka na.  Katapusan mo na ito Mike at mapapasa-akin na rin sa wakas ang lahat ng kayamanan mo. Magsama-sama kayong mag-aama!" sigaw ni Sandra.
         "Ako na lang ang patayin mo Sandra, huwag mo nang idamay ang mga bata, wala silang kasalanan sa 'yo," pakiusap ni Mike kay Sandra.
         "Anong huwag idamay, para ano, para isumbong at ipahuli nila kami sa mga pulis.  Magsama-sama kayong mabulok sa ilalim ng dagat!"  walang-awang sagot ni Sandra sa asawa. 
         Sinigurado ni Alex na mahigpit na mahigpit ang pagkakatali sa tatlo saka tinutukan niya uli ang mga ito ng baril at inutusang tumalon sa dagat. "Pumili kayo tatalon kayo o babarilin namin kayo?"
         "Huwag niyo po kaming itapon sa dagat...." pagmamaka-awa ni Nema habang nakatingin kay Emma.
         "Kung ganon ay itatapon namin kayo sa dagat nang sabay-sabay na kayong malunod. Sinipa ng lalake ang tatlo palabas ng yate.  Isa-isang bumagsak ang tatlo sa tubig. Dahan-dahan silang lumubog sa dagat. Subalit pinilit ni Emma na makalangoy gamit lamang ang mga paa papuntang blade ng yate at mabilis niyang ikiniskis ang tali dito para maputol. Mabilis niya itong nagawa at agad na pumailalim para sagipin sina Mike at  Emma. Halinhinan niyang hiningahan sa bibig ang dalawa.  Nakatulong naman agad ito para sila'y makahingang muli.  Pinalaya ni Nema sa pagkakatali ang mag-ama.  Agad silang lumangoy paitaas.  

                                           XXXIV            

          Pag-ahon nila ay nakita nilang hawak-hawak na ng mga pulis ang asawa ni  Mike at ang kalaguyo nito.   Humingi nang tawad si Sandra pero hindi man lang siya pinansin ni Mike.
         "Anak ko mabuti nama't ligtas ka na..."  mangiyak-ngiyak na sabi ng ina nito na si Sonia.  "Pinuntahan ko kasi kanina ang bahay ng papa mo para hanapin ka, subalit nakita ko na lang na tinututukan kayo ng baril papasok ng kotse.  Kaya nagdesisyon ako na sundan kayo at tumawag na rin ng pulis." 
         "Mga anak ko ba talaga sila Sonia?" tanong ni Mike sa babae.
         "Sandali ba't dalawa sila, hindi naman kambal ang mga anak natin Mike ah," pagtataka ng ina ni Emma. "Ba't dalawa kayo Emma?"
         "Sa bahay na lang po namin ipapaliwanag mama," sabi ni 
Emma. 

                                                XXXV

         Pagdating nila sa bahay ay nandoon na rin sina Ana, Mac-mac, at John.  Ipinaliwanag nga ni Emma ang mga nangyari.  Hindi makapaniwala ang lahat sa narinig nila.  Subalit ang mahalaga'y nakaligtas sila sa malaking trahedya.  "Kaya kabisadong-kabisado mo ang buong sala ay dahil diyan ka pala nakatira sa loob ng aquarium ko,  Nema," sabi ni Mike.
         Dahan-dahang lumapit sina Ana at Mac-mac kay Nema saka sabay na niyakap nang bahagya. "Kaya pala ang gaan-gaan agad nang loob ko sa 'yo, matagal ka na pala naming kasama sa bahay Nema," mahinang sabi ni Ana.
         "Ikaw lang pala ang isda naming si Anema, nakakatuwa naman," dagdag pa ni Mac-mac.
         "Salamat naman at hindi pa rin nagbabago ang pagtingin niyo sa 'kin Ana... Mac-mac," sabi ni Nema tapos ay lumingon at linapitan naman si John.
         "Matatanggap mo ba ang pagkatao ko na dati akong isda John?" nag-aatubiling tanong ni Nema kay John. "Ano matatanggap mo ba ako?"
         "Mahirap paniwalaan ang mga narinig ko tungkol sa 'yo, pero mahal na kita, kaya kahit ano ka pa, tatanggapin kita. Saka.... sa buong mundo ako lang yata ang may girlfriend na dating isda, talo ko silang lahat," nakangiting sagot nito kay Nema.
         "Ha sandali hindi mo pa naman ako girlfriend ah," mahinang sagot ni Nema kay John.
         "Talaga... kung hindi pa kita girlfriend eh bakit kanina mo pa hawak-hawak ang dalawang kamay ko, parang ayaw mo na yatang bitawan," sagot naman agad ni John. 
         "Ha, oo nga ano, baket ayaw mo?" pilyang tanong ni Nema.
         "Syempre gusto, gustong-gusto," paniniguro ni John kay Nema.  Natawa na lang sina Mike at mga kasama sa mga narinig sa dalawa.                                        
         "Papano ngayon, permanente na ba ang pagiging tao mo Nema?" tanong ni Mike kay Nema.
         "Hindi ko alam si Emma yata ang makakasagot niyan," sagot ni Nema.
         "Sa kwento ko babalik sa pagiging isda si Nema matapos nitong makagawa nang kabutihan para sa mga tao. Ngayon nailigtas at napagsama-sama niya na nga tayong tatlo.  
          "Hi cousin!" nakangiting singit ni Mac-mac.
          Tumingin at ngumiti lang si Emma kina Ana at Mac-mac.  Tapos ay muling nagpatuloy sa kanyang pagsisiwalat.  Ang isinulat ko magiging isda siya uli matapos niyang makagawa ng maraming kabutihan  sa tao.  At kung ilang kabutihan ang dapat niyang tapusin para siya'y muling maging isda  ay hindi ko rin naman naisulat.  Kaya  hindi ko rin tiyak kung kailan siya manunumbalik sa pagiging isda," paglalahad ni Emma.
         "Ikaw Nema gusto mo pa bang maging isda o manatiling tao ka na lang habang-buhay?" tanong ni Mike.
         "Ayoko ng maging isda muli kasi puro fish food lang ang pinapakain ninyo sa 'kin araw-araw.  Pero mula ng maging tao ako ay nalaman ko napakasarap pala ng pagkain niyo.  Isipin mo araw-araw akong kumakain ng fish food tapos ngayon Chooks to Go lechon manok na may kasama pang malamig na malamig na Coke.  Saka gusto ko pang umorder uli ng Jollibee Hamburger ang sarap- sarap kaya noon.  Hindi ko na yata kayang mabuhay na wala ang mga ito araw-araw," nakakatawang bulalas ni Nema.
         "Huwag kang mag-alala Nema araw-araw tayong pupunta ng Jollibee at hind lang iyon ipapasyal ka pa namin sa SM.  Magsha-shopping tayo nang magsha-shopping hanggang magsawa ka.  At higit sa lahat ay pupunta tayo sa Ocean World para makita mo naman uli ang mga katulad mong isda.  Tiyak marami kayong pag-uusapan at maiinggit sila sa 'yo,"  patawa-tawang tukso ni Mike.
         "Mabuti na lang at napakabilis at on time ng sinakyan kong eroplano ng Phillippine Airlines dahil kung hindi ay malamang hindi ko na kayo inabutang mag-ama at hindi rin ako makakatawag ng pulis para hulihin ang masamang babaeng iyon," paglalahad ng nanay ni Emma.
         "Ikaw,  naman hanggang ngayon ba'y nagseselos ka pa rin?  Alam na alam mo namang kaya  lang ako nagpakasal ay dahil iniwan mo ako nang mabuntis ko si Sandra, saka hindi ko naman  sinasadya 'yon lasing lang talaga ako noon, akala ko ikaw siya.  Halika ka nga rito nang mayakap kita nang mahigpit na mahigpit. Na-miss ko nang gawin sa 'yo 'to," pabirong lambing ni Mike at niyakap si Sonia at si Emma.
          "Payag ka bang maging kapatid ko Nema ha?" nag-aatubiling tanong ni Emma.  
          "Oo naman magkasing-ganda yata tayo kaya bagay na bagay tayong maging magkapatid,"  paniniyak ni Nema.
          "Kumain na nga muna tayo ng Chooks to Go lechon manok at kanina pa tingin ng tingin si Nema sa lamesa mukhang nagugutom na naman," pansin ni Mike.
          "Nakakahiya naman nahalata niyo palang kanina ko pa talagang gustong kainin ang lechon manok at uminom ng malamig na malamig na Royal True Orange.  Pero huwag kayong mag-alala at susubukan kong kunti lang ang kainin para makakain tayong lahat," sabi ni Nema at ngumiti sa kanilang lahat.
          At namuhay silang lahat  na masaya at maligaya sa mahabang panahon.

                                                 Wakas